Questions


October 2022 1 4 Report
Mangroves
Isang Pinay, Bilang Environmental Hero
Constancia Paloma

Isang retiradong siyentipikong Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa bansa
matapos siyang mailathala sa Time Magazine bilang isa sa "Heroes of the
Environment" (Mga Bayani ng Kalikasan).
Si Jurgenne Primavera, naninirahan sa Iloilo ay senior scientist sa Southeast
Asian Fisheries and Development Center (SEAFDEC) hanggang sa siya ay mag-
retiro noong taong 2006. Sinabi ni Primavera sa isang panayam na natutuwa siya na
nailathala siya ng Time Magazine sapagkat ito ay magdadala sa kanyang
kampanya sa mas malawak na audience.
"Hindi ito para sa akin. Ito ay para sa mga bakawan (mangroves)," sabi niya.
Isa si Primavera sa tatlumpong (30) grupo ng mga tao, na binubuo ng mga
aktibista, siyentipiko, mga tanyag na tao, imbentor, at mananalapi sa buong mundo
na pinarangalan dahil sa kontribusyon sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.
Hindi nila malulutas mag-isa ang suliranin sa climate change o ang endangered
species. Subalit dahil sa kanilang mga halimbawa, kanilang kusang pag-aalay ng
sarili sa bagay na sinasabi nilang "hopeless case," ang mga bayani ng kalikasan ay
nagbigay ng ilaw sa dilim," ayon din sa ulat ng Time Magazine.
May ulat mula sa pamahalaan na mayroon na lamang 120,000 ektarya ng
bakawan sa Pilipinas. Bumaba ito mula sa 500,000 na ektarya noong 1990.
Talakayin Natin
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino si Jurgenne Primavera?

2. Anong karangalan ang ibinigay niya sa ating bansa mula sa “Time
Magazine?"

3. Paano ipinakita ni Jurgenne Primavera na karapat-dapat siya sa karangalan
bilang isa sa "Heroes of the Environment"?

4. Bakit niya binibigyan ng pagpapahalaga at pananagutan ang pinagkukunang-
yaman?

5.Sang-ayon sa ulat ng pamahalaan gaano na lamang ngayon ang lawak ng bakawan sa Pilipinas?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.