Questions


November 2022 1 0 Report
Malungkot si Maki Nilya. Siya’y nasa madilim at maruming sulok, sa ibabaw ng
lumang mesa na uuga-uga na. Marami na siyang alikabok. Bihira na siyang gamitin ni
Jon-jon.
Dati-rati’y, tuwang-tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harap si Jon-jon.
Mangyari, nahahawakan ni Jon-jon ang kanyang mga letra at bilang. Nalilinis siya ng
malilinis na daliri ni Jon-jon. Pagkatapos ng mahigit isang oras na pagmamakinilya ni Jon-
jon ay lalo siyang natutuwa dahil sa masayang-masaya ang kanyang tagapag-alaga.
“Sige na po, Daddy. Ibili na ninyo ako ng kompyuter. Mas madali ako
makapagsasaliksik at mas mabilis akong makapagmamanikilya ng aking mga assignment,”
ang paliwanag ni Jon-jon sa kanyang ama.
“Ano? Ipagpapalit ako ni Jon-jon sa kompyuter? Hindi na ba ako mahal ni Jon-jon?
Paano na niya ako malilinis kung may kompyuter na siya? Ano na ang mangyayari sa akin?”
ang tanong ni Maki Nilya.
Kinabukasan, may bagong kompyuter na si Jon-jon. Malungkot na malungkot si Maki
Nilya. Nainggit siya nang sa ibabaw nang isang bago’t makinis na mesa ipinatong ni Jon-jon
si Kom Pyuter. Sinisimangutan niya si Kom Pyuter kapag nakikita niyang naktingin ito sa
kanya.
“Okey ang kompyuter mo Jon-jon,” sabi ng kanyang Daddy. “Mapapagaan at
mapapabilis ang iyong mga gawain dahil madali kang makapagbubura kung may mali kang
nai-tayp.Hindi pa mabubura o mawawala ang mga impormasyong minakinilya mo.”
Madalas mag-unahan sa paggamit ng kompyuter si Jon-jon at kanyang mga kapatid.
Nagkaroon tuloy sila ng pagtatampuhan.

Isang araw, ibinalita sa radio na maghapong magba-brown out sa lugar nila Jon-jon.
Ipapasa pa naman niya ang kanyang report sa kanyang guro bukas ng umaga.
“Ano ang gagawin ko?” ang tanong niya. May naisip si Jon-jon. Nilapitan ni Jon-jon si
Maki Nilya at nilinis ng malambot na puting papel.
“Kailangan din kita,” ang sabi ni Jon-jon kay Maki Nilya. “Ikaw yata ang unang gamit
na iniregalo sa akin ni Daddy noong kaarawan ko. Aalagaan at gagamitin din kita lagi
katulad ng kompyuter,” ang sabi ni jon-jon.
Hindi na malungkot si Maki Nilya. Nginitian na niya si Kom Pyuter.
1. Bakit nalungkot si Maki Nilya? *
1 point

This is a required question
2. Bakit dati-rati’y tuwang-tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harapan si Jon-jon? *
1 point

This is a required question
3. Ano ang pinag-uusapan ni Jon-jon at Daddy niya? *
1 point

This is a required question
4. Ano ang naisip at nadama ni Maki Nilya nang marinig niya ang pag-uusap ng mag-ama? *
1 point
5. Ano ang nagagawa ng kompyuter? *
1 point
6. Ano ang naging problema ni Maki Nilya? *
1 point
7. Ano ang ipinangako ni Jon-jon kay Maki Nilya? *
1 point

This is a required question
8. Sa iyong sariling hinuha, alin kina Maki Nilya o Kompyuter ang mahalaga sa panahon ngayon? *
1 point
9. Sa iyong palagay, paano makakatulong ang kompyuter sa iyong pag-aaral? *
1 point
10. Kung magkakaroon ka ng kompyuter, paano mo ito pangangalagaan? *
1 point

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.