Questions


January 2022 1 1 Report
Malayang payahin 3 Salungguhitan ang mga magagalang na pananalita na nasa maikling kuwento. SI PEDRO MAGALANG ni: Abegail C. Padilla Unang araw ng pasukan sa Mababang Paaralan ng San Antonio, masaya at excited na si Pedro na papasok sa ikalimang baitang. Si Ginang Ledesma ang kilalang guro sa paaralan dahil sa pagiging istrikta at mahigpit niya sa kanyang mga mag- aaral, ang kaniyang magiging guro. Pagpasok ni Pedro sa silid aralan ay agad niyang binati ang kanyang guro na si Ginang Ledesma. "Magandang umaga po Ginang Ledesma, ako nga po pala si Pedro Magalang,". "Maupo ka Pedro," ang tugon ng guro. Bilang panimula ay isa-isang tinanong ni Ginang Ledesma ang kanyang mag- aaral kung ano ba ang kanilang inaasahan sa panuruang taon na ito. Unang nagtaas ng kamay at sumagot si Pedro. "Inaasahan ko po na marami kaming matututunan at magiging masaya po ang panuruang taong ito." Punong-puno ng kasiyahan ang maaaninag sa mukha ni Pedro, habang papalabas siya ng kanilang silid-aralan ay may nadaanan siyang mga guro na nasa daan. Agad niya itong binati, “Magandang araw po sa inyo mga minamahal naming mga guro!" ang bati ni Pedro. "Magandang araw naman," tugon ng mga guro. Banaag sa mukha ni Pedro ang kasiyahan hanggang sa siya ay makauwi sa kanilang tahanan. Agad siyang kinamusta at tinanong ng kanyang ina tungkol sa unang araw ng pasukan. Masayang nagkwento si Pedro sa kanyang ina at sinabi, "Nararamdaman ko po na magiging masaya at makabuluhan ang taon na ito, at marami rin po akong magiging bagong mga kaibigan. Ang aking guro po ay sadyang mahusay at kinagigiliwan ng maraming mag-aaral," dagdag pa ni Pedro. Bukod sa pagiging magalang ay sadyang masipag din si Pedro.Sa araw-araw ng kanyang paglalakad patungo sa paaralan ay madalas niyang nakakasalubong sa Mang Teban na kanilang kapitbahay.“Magandang umaga naman,”ang tugon nito.
Gayun din ang kaniyang pagbati kay Aling Nena. ”Magandang araw po Aling Nena!”“Magandang araw naman Pedro!”ang masayang tugon nito sa bata.
Malimit na pinupuri si pedro dahil sa kanyang mga katangian at dagdag pa ng kanilang mga kapitbahay na dapat siyang tularan ng ibang mga kabataan.
please po need ko lang​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.