Questions


October 2022 1 6 Report
Malayang Gawain 1
Basahin ang kuwento na.

Salamat Po, Inay!
Ako ау lumaking walang kinikilalang ama. Ngunit hindi ako putok sa buho. May gatas pa ako sa labi ay si Inay na lamang ang nag-aruga sa akin. Bago pa man pumutok ang araw ay nasa bukid kami ni Inay. Araw-araw kailangang magtanim si Inay para mayroon kaming makain. Katulong ako ni Inay sa paglalako ng gulay at prutas para naman ipambili ng bigas at ilan pang mga gamit sa bahay. Nasaksihan ko ang pagbabanat ng buto ng aking ina. Bukambibig niya sa akin ang magtapos ako sa pag-aaral. Iyan ang ikinrus ko sa aking noo, ang magtapos sa pag-aaral Bagamat bata pa ako, damang-dama ko ang hirap ng buhay. Kailangan naming maghigpit ng sinturon upang makaraos sa araw-araw. Palagi na lang na butas ang aking bulsa. Ang tangi ko na lang na hiling sa Diyos ay huwag sana kaming magkasakit. Kaysarap balikan ang kahapon. Ngayon ay nasa takipsilim na ng kanyang buhay si Inay. Ngayon ay isa na akong ganap na guro. Hindi na rin lumalabas ng bukid si Inay. Pinauupahan na lamang namin ang aming bukirin. Bagamat matanda na ang aking ina, bakas pa rin sa mukha niya ang pagmamalaki na ako ay nagsunog ng kilay sa pag-aaral. Dugo, pawis at luha ang pinuhunan ni inay upang ako ay maging guro.



yung maayos po sana kaylangan ko na po kasi ngayo eh please dinag dagan ko napo yung points​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.