Malaking pagsisisi ni Mang Sammy
ni Porferia A. Alampayan
Abalang-abala si Mang Sammy sa paglilinis ng bakuran nila. Araw-
araw itong naglilinis ng bahay. Nagwawalis siya sa loob at labas ng
bahay Nagpupunas siya ng mga alikabok. Namumulot siya ng kalat. Kaya lang, ang lahat ng basura at kalat niya ay itinatapon niya sa sapat. Nagpalagay ang pinuno ng Samahang Magkakapitbahay ng karatula sa sapa na nagsasabing “Bawal ang Magtapon ng Basura Dito."
Sa kabila ng paglalagay ng karatula ау hindi pa rin sinusunod ni Mang Sammy ang nakasulat dito.
Isang araw, walang tigil ang ulan. Mula umaga hanggang hapon ang
bagsak ng ulan. Tumaas ang tubig sa sapa hanggang bumaha na sa kalye. Pumasok ang tubig baha sa bahay ni Mang Sammy. Napansin niya na hindi lamang tubig baha ang pumasok sa kaniyang bahay. Sumama rin ang mga basurang kaniyang itinapon sa sapa. Laking gulat at takot ang naramdaman ni Mang Sammy nang makita niya sa loob ng bahay ang mga basurang kaniyang tinapon sa sapa araw-araw.
Malaking pagsisisi ni Mang Sammy na sana noon ay hindi dapat siya
nagtapon ng basura sa sapa. Itinapon niya sana ito sa tamang tapunan.
C. Pag-unawa sa Pinakinggan
1. Ano ang madalas na pinagkakaabalahan ni Mang Sammy?
2. Bakit nagpalagay ang pinuno ng samahan ng karatula malapit sa sapa?
3. Paano natin pananatilihin ang kalinisan sa ating komunidad o lugar na
nasasakupan?
4. Ano sa tingin mo ang pakiramdam ng tagapagsalaysay sa kuwento?
5. Bilang isang tagapakinig o mambabasa ng kuwento, ibigay ang buod ng kuwento.
Answers & Comments
Answer:
1.paglilinis Ng bakuran
2.para sa tamang pagtatapon Ng basura
3.mag-tapon sa tamang basurahan
4.nalulungkot dahil Ang mga tao ay Hindi sumusunod sa tamang pag-tatapon Ng basura
5. I don't know I'm sorry
Explanation:
please like my a answer if correct and rate brainlies please thnk you