Questions


October 2022 1 3 Report
Makinig at Mag-ingat

Kamakailan lamang ay hinagupit ng kalamidad ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao. May mga sinalanta ng bagyo, malalakas na ulan, lindol, at mga pagguho ng lupa. Maraming nagbuwis ng buhay sa mga nasabing kalamidad. Ikinalungkot ng buong bayan ang pagkasawi ng maraming buhay. Kung sila sana ay naging masunurin at nakinig sa mga paalala ng pamahalaan kaugnay ng paparating na daluyong ng tubig, marahil sila at ang iba pa ay nakaligtas.

Kaya nga sadyang mahalaga ang maging handa at makinig sa mga paalala upang tayo ay makaiwas sa anumang sakuna. Lagi nating tatandaan na ako, ikaw, tayo, ang buhay natin ay mahalaga. Ang pakikiisa sa kaligtasan at kabutihan ng lahat ay makakamit kung tayo ay laging handa.
1.Ano ang tinutukoy sa kwento?
2.Ano ang paksang diwa ng kwento?
3.Kung bibigyan ka ng pag-kakataon,ano ang dapat na pamagat ng kwento?bakit?
4.Mula sa kwento,ano ang ibig sabihin ng salitang hinagupit?
5.Ano ang kasingkahulugan ng salitang sakuna?
6.Ano ang kasalungat ng salitang malakas?
7.Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungst ng salitang pangkasawi

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.