Ang Lungsod ng Maynila (Espanyól: Ciudad de Manila, Ingles: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong lungsod ng Pilipinas. Ito ang lungsod na may pinakamakapal na dami ng tao sa buong mundo. Ito ang kauna-unahang lungsod na kinikilala ayon sa Philippine Commission Act 183 na ipinasa noong 13 Hulyo 1901 at naging awtonomo nang maipasa ang Batas Republika Blg. 409 o ang "Revised Charter of the City of Manila" noong 18 Hunyo 1949.
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 1,846,513 sa may 409,987 na kabahayan.
Ang lungsod na ito ay nasa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na nasa kanlurang bahagi ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan ng humigit sa 19 na milyong katao.[2][4]
Ang Maynila, na sumasakop ng 42.88 na kuwadrado ng kilometro,[5][6] ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Mas matao nga lang ang lungsod Quezon na dating punong lungsod ng bansa. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.[2]
Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hong Kong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singapore at mahigit 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Nahahati ang Maynila sa dalawa ng ilog Pasig. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.
Answers & Comments