Maikling Pagtalakay sa Aralin (Nilalaman)
Ang Tambalang Salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salita na
pinagsama upang makabuo ng bagong salita. Ang tambalang salita ay
maaaring may gitling o wala.
Halimbawa:
agaw + pansin = agaw-pansin
kahulugan = kumukuha ng atensiyon
Agaw-pansin ang likas na kagandahan ng Pilipinas.
tubig + dagat = tubig-dagat
kahulugan = tubig sa dagat
Malinaw ang tubig-dagat sa Boracay.
hanap + buhay = hanapuhay
kahulugan = trabaho
• Pangingisda ang hanapbuhay ng mga taong nakatira malapit sa
dagat.
May dalawang uri ng tambalang salita:
1. Di - ganap - nananatili ang kahulugan ng mga salitang pinagsama.
Halimbawa: balik-bayan, alay-kapwa, dalagang - bukid, bahay -
kalapati
2. Ganap - nawawala ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama at
nagkakaroon ng bagong kahulugan.
Halimbawa: kapitbahay, bahaghari, hampaslupa at dalagambuki

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.