Maikling Pagsusulit bilang 3
Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

________ 1. Ito ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang
limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may
kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
a. balagtasan b. sarsuwela c. maikling dula d. tula

________ 2. Alin sa mga sumusunod na akda ang halimbawa ng sarsuwela?
a. Florante at Laura b. Ibong Adarna c. El Filibusterismo d. Walang Sugat

________ 3. Sino ang sumulat ng akdang “HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI
HERMANO HUSENG”?
a. Pat Villafuerte b. Severino Reyes c. Jose Rizal d. Alejandro Cubero

________ 4. Ito ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.
Teatro Fernandez b. La Filipina c. Teatro Rizaleno d. La Zarzuela

________ 5. Ilang yugto mayroon ang sarsuwela ayon kay Tiongson (1977)?
a.2 b. 1 c. 4 d. 3

________ 6. Ito ay kahulugan na tumutukoy sa mga salitang matatagpuan sa diksyunaryo.
a.Tiyak b. Konotatibo c. Denotatibo d. Depenisyon

________ 7. Ito ay kahulugan na ibinabatay sa pagkakagamit sa pangungusap.
a.Tiyak b. Konotatibo c. Denotatibo d. Depenisyon

________ 8. Ano ang denotatibong kahulugan ng salitang “bakawan”?
a.dayaan b. pook na maraming punongkahoy na bakaw
c. mapanganib na lugar d. pagsasamantala

_________ 9. “Pinipilit na lang niyang maging masaya sa dapit-hapon ng kanyang buhay”,
ano ang konotatibong kahulugan ng salitang “dapit-hapon” sa pangungusap?
palubog na ang araw b. makulimlim na panahon
pagkalumo d. nalalabing mga araw ng buhay

________ 10.“Taong gumagawa ng mga estruktura o kasangkapan na ginagamitan ng
kawayan o tabla.” Anong salita ang binibigyang depenisyon nito?
Anluwage b. Inhinyero c. Mason d. Magsasaka

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.