Una sa lahat, gusto ko lamang mabatid mo, na ikaw ay aking iniirog higit kanino man sa panahong ito.
Ikaw ang nagbigay sa akin ng lakas upang ngumiti ng totoo muli sa mundong ibabaw, sa kabila ng mga lungkot at kasawiang naranasan nuong unang panahon.
Ikaw ang nagparamdam na ako ay isa ring mahinang nilalang, isang babae na kailangan ng lalaki upang umalalay at mag-alaga. Ipinaramdam mo sa akin na kailangan ko ng isang lalaking masasandalan sa oras ng aking kasawian. Ipinaramdam mo ang presenyang nuon ay hindi ko naranasan. Akala ko ang sarili ko ay matapang, akala ko ako ay matatag at matigas, akala ko kaya ko nang lahat, ngunit iyon ay isa lamang maling akala.
Minulat mo ako sa mga bagay na nuon ay hindi ko batid. Sayo natutunan kong magpasensya, manahimik at sa unang pagkakataon ay matakot at tumanggap ng pagkatalo, nang hindi naghihinanakit. Batid kong ikaw ay masmalakas at masmatalino kaysa sakin at ngayon mas naramdaman kong mas kailangan kita…
Ngunit sa hindi maipaliwanag na sitwasyon, ang utak at puso ko ay naninibugho. Nakaramdam ng paglayo, unti unti ako ay nalulungkot, ang nuong pananabik ay sadyang napapalitan ng pagkatakot. Naramdaman ko ang pagiging makasarili, hindi ko maipaliwanag at hndi ko maintindihan. Sa inusal ng aking mga labi at luhang animo’y walang katapusang tumulo ng sabay sabay, sinigaw ng utak ko, “makikihati rin ba ako sa atensyon ng iyong mahal na Ina?!”. Ako ay natakot sa nasambit na iyon, sa pangalawang pagkakataon ng pakikipagrelasyon, ang problemang ito ay kinaharap ko namang muli. Ang kailangan ko’y atensyon, atensyong walang kahati kung maaari lamang. Ngunit ito ay hindi maiiwasan, siya ay iyong ina, ang nagluwal sa iyo sa mundong ito, kung hindi sa kanya, ikaw ay wala, ikaw ay isang kathang isip lamang.
Salamat, salamat, salamat sa iyong ina. Siya ay napakabuti at pinalaki kang maayos, responsable at mapa-aruga. Siya ang nagturo sayo ng lahat at magpahanggang ngayong matanda ka na, patuloy pa rin syang nakasubaybay. Salamat sa iyong ina.
At alam kong bilang pagpapasalamat mo sa kanya ay suklian siya ng pagmamahal at pag-aalagang kahit sino man ay hindi makapagpupuno kundi ikaw lamang. Ang iyong ama ay pumanaw na at ikaw na lamang ang tanging aasahan ng iyong ina. Kailangan ka ng iyong ina, iyon ay aking batid at walang duda, ikaw na lamang ang kanilang sandalan at lakas. Ikaw! Ikaw na lamang… at iyon ay kailangan kong unawain…
Ngunit paano naman ako? Akala ko, ako ay mabubuo nang muli, akala ko ikaw na ang siyang magpupuno sa mga kakulangan ko, akala ko ikaw na ang magtatagpi at maghihilom sa mga basag at wasak na parte ng buhay ko. Pero, pero akala ko lamang lahat ng iyon. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, hindi ko maipaliwanag, ngunit ayoko ng may kaagaw. Ayoko ng hating atensyon, atensyong sa edad natin ngayon ay aking nararanasan na dapat. Ayokong maawa at ayokong ako’y kaawaan… At ayokong malimos ng atensyong akala ko ay maihahandog mo sa akin ng buong buo…
Ngayon unti unti kong nababatid, ako ay isang makasariling nilalang at sa aking palagay ako ay hindi nararapat sa iyong napakabait na kaluluwa.
Gusto ko nang magpaalam sa iyo nang magampanan mo ang obligasyon mo sa iyong mahal na Ina. Gusto kitang unawain ng buong puso, ngunit batid kong hindi ako nararapat sayo.
Paalam mahal ko, hanggang sa panahong ikaw ay akin na lamang. Sana ito ay aking mahintay, sana ito ay malapit na at sana ay hindi maglaho ang pagmamahal na inalay ko sa iyo…
Answers & Comments
Answer:
Para sa aking minamahal,

Paalam sa iyo mahal ko.