Questions


August 2022 1 1 Report
Mahusay ang pagsagot mo sa mga tanong kanina. Naglista ako ng mga pangyayari sa ating paligid. Nais kong suriin mo kung ano ang iyong naiisip sa sumusunod na mga sitwasyon:
1. Ayon sa Department of Health (DOH), ang bilang ng mga batang malnourished o may mahina at payat na pangangatawan ay patuloy na dumarami dala ng kahirapang nararanasan ng bansa.
2. Kumain ng pagkaing masustansya. Kung panay karne ang iyong kinakain ay bawasan muna ito, sa halip, kumain ng mga gulay at prutas. Ito ay may fiber na makatutulong upang malinis ang iyong katawan. Ang pagkain ng junk food ay makadaragdag lamang ng timbang at lalong makapagpapataas ng stress sa katawan.
3. Ugaling magpahinga at i-relaks ang katawan. Madalas ay napakaraming takdang-aralin at mga gawaing dapat na tapusin. Sa sandaling makatapos ng isang gawain ay ipahinga ang katawan upang manumbalik ang lakas ng katawan at isip. Maaaring maligo ng maligamgam na tubig. Maaari ring bumulong ng maikling panalangin at damhin ang kasiyahan at kapayapaang nararamdaman ng kalooban.
4. Si Nick ay ipinanganak nang walang braso at binti. Naging mahirap sa kanyang magulang at maging sa kanyang sarili na maunawaan at tanggapin ang nasabing kalagayan. Ngunit sa paglipas ng panahon ay maliwanag nilang nakita ang magandang dahilan o plano ng Diyos kung bakit nangyari ang ganito sa kanyang buhay.
5. Isang magsasaka si Mang Berto. Bawat araw ng kaniyang gawain ay isinasaisip niya ang kapakanan ng mga taong tumatangkilik ng kaniyang produktong gulay. Dahil sa palasak na paglalagay ng kemikal sa mga produkto ngayon, hindi siya gumagamit ng anumang pestisidyo. Sa halip, organikong pataba ang ginagamit niya gaya ng dumi ng kalabaw, mga nabubulok na balat ng saging, gulay, at iba pa, kaya lubos na kilala siya bilang Mang Berto Organiko.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.