Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento tulad ng panonood mo ng mga
kuwento sa iba’t ibang palabas sa telebisyon? Matutukoy mo sa araling ito ang mga
bahagi ng kuwentong nagpapasigla sa daloy ng mga kapana-panabik na pangyayari.
Sa pag-aaral mo ng panitikan ay maraming ng akda ang iyong binasa na
madalas ay may kaugnayan sa buhay ng tao o maaaring naranasan mo na rin. Hindi
lang iisang pangyayari ang nagpapatingkad sa isang kuwento kaya humihikayat sa
iyong tapusin ang binabasa upang malaman ang kabuuan ng nilalaman. Ihanda ang
sarili na balikan muli ang mga bahagi ng maikling kuwento.
Maaaring nabasa mo na ang mga akdang nasa loob ng kahon kaya simulan
mong tukuyin ang 4 na maikling kuwento. Isulat ito sa patlang ang napili mong
mga pamagat ng maikling kuwento na tinatawag din na maikling katha.
• Pagislam ● Sa Pula Sa Puti
• Ang Munting Ibon ● Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
• Uhaw ang Tigang na Lupa ● Ibong Adarna
• Walang Sugat ● saranggola
maikling jwento
1. ________________________________
2. _________________________________
3. _________________________________
4. _________________________________
Answers & Comments
Answer:
oo dahilw nakaka aliw ito sapagkat ang pag babasa ay dagdag kaalaman sa mga mambabasa tulad ko