Ang pamilya ay talagang isang mahalagang salita sa bawat tao. Sila ay regalo na ibinigay sa atin ng Diyos. Sa pamilya nagsisimula ang pakikipag-ugnayan sa iba. Sa pamilya rin nagmumula ang pakiramdam na pagiging ligtas, pagkakaroon ng mga taong maaasahan at maaari mong ibahagi ang iyong mga problema. At sa kabilang dako, nangangahulugan din ito na mayroong paggalang at responsibilidad sa bawat isa.
Ang kahalagahan ng pamilya ay tunay na pag-ibig at pagkakaroon ng isang taong laging naroon para sa iyo, maging sa magagandang panahon o kapag nakaranas ng kasamaang palad. Sa loob ng pamilya, mayroong pag-unawa, pag-asa, ginhawa, payo, moralidad, mithiin, at pananampalataya. Ang mga bagay na ito ay mahalaga sapagkat ito ay nakakadulot ng seguridad at kasiyahan ng loob kahit anong mangyayari sa buhay.
Ilan lamang ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang pamilya ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay.
Answers & Comments
Answer:

#CarryOnLearning