Mahalaga ang pagkakaroon ng paggalang upang mapanatili ang pagkakaibigan.Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at isulat sa isang buong papel kung ano ang gagawn mo.2.Magkaiba kayo ng relihiyon ng iyong matalik na kaibigan.Niyaya ka niyang magsimba muna sa kanilang simbahan bago ka i-blowout sa isang fastfood restaurant.
Answers & Comments
Verified answer
KAHALAGAHAN NG PAGGALANG SA KAPWA
Answer:
Napakahalaga ng pagkakaroon ng paggalang sa kapwa upang maipakita natin na tayo ay makatao. Paggalang ang susi upang mapanatili ang pakikipagkaibigan natin sa kapwa. Ayon sa sitwasyong binigay, kung ako ang tatanungin ay wala namang masama na sumama sa simbahaan ng iba kahit hindi kayo pareho ng relihiyon. Hindi ibig sabihin na sumama ka sa simbahan ng iba ay nag iba na din ang iyong relihiyon, pagpapakita lamang ito ng paggalang sa kapwa at relihiyon nila. Hindi naman mababawasan nito ang paggalang at paniniwala mo sa iyong relihiyon. Kaya sasama ako pero magmasid lamang ako sa loob ng simbahan at hindi gumawa ng kung anu man. Upang hindi masira ang aming pakikipagkaibigan at patuloy na paggalang sa isa't isa.
KAHALAGAHAN NG PAGGALANG SA KAPWA//brainly.ph/question/2689553
#LETSSTUDY