Ayon sa kanila, ang Agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga halaman, hayop, pati na rin ang mga isda, at kagubatan. Ito ang pinagkukunan natin ng ating mga pangunahing pangangailangan. Nagiging susi ang Agrikultura sa pagsulong ng ating ekonomiya. Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral sa Agrikultura. Ang Agrikultura ay puwedeng tumaas at bumagsak dahil sa iba’t ibang suliranin nito gaya ng klima, kalinangan at teknolohiya.
ANG KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA
Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng Agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa Agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at hilaw na materyales. Ang Agrikultura ay mahalaga dahil Ito ang punagmumulan ng pagkain. Pinagkukunan rin natin Ito ng mga hilaw na materyales gaya ng kahoy na puwede natin gawing bahay. Ito rin ay isa sa pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Mahalaga ang sektor na Agrikultura sa ating pang araw-araw na pamumuhay kaya dapat natin itong pangalagaan at linangin para sa susunod na henerasyon. Maaari tayong gumawa ng iba’t ibang paraan para sa ikauunlad ng ating Agrikultura at Ekonomiya, pero dapat tayong magkaisa at magtulungan para tayong lahat ang makikinabang.
Answers & Comments
AGRIKULTURA

Answer:
Explanation:
sana po makatulong po