Noong Hulyo 4, 1946, pormal na kinilala ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas. Ito ang nagsilbing pagtatapos ng isang mahabang prosesong sinimulan pa noong 1916, kung kailan ipinangako ng Batas Jones na sa loob ng ilang taon ay pagkilala kikilalanin na rin sa kasarinlan ng Pilipinas, at sinimulan ng Tydings- McDuffie Act ng 1933 ang sampung taóng panahon ng transisyon upang maghanda para sa kasarinlan.
Ayon sa kasaysayan, minarkahan ni Manuel Roxas ang kasarinlan ng Pilipinas nang muli siyang manumpa bilang Pangulo ng Pilipinas at inalis ang pledge of allegiance sa Estados Unidos na kinakailangan bago ibigay ang kasarinlan. Dahil dito, nagsimula ang Ikatlong Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Manuel A. Roxas. Patuloy na ipinagdiwang ang “July 4 Independence Day” hanggang sa huling bahagi ng 1962.
July 4, 1946: In ceremonies held in the temporary Independence Grandstand (built in front of the Rizal Monument), the Philippine flag is raised while the U.S. flag is lowered. The flagpole in front of the Rizal Monument is thus known as the Independence Flagpole, commemorating the culmination of the quest for national independence.
Noong 1962, inilabas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Proclamation No. 28, s. 1962, kung saan pinagbisa niya ang pagbabalik ng petsa ng kasarinlan ng Pilipinas mula Hulyo 4 papuntang Hunyo 12–ang petsa ng kalayaan mula sa España na ipinroklama sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Sa kanyang proklamasyon, sinabi ni Pangulong Macapagal na ang ginawang pagtatatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 ang nagmarka ng deklarasyon at pagsasakilos ng karapatan nating magpasya para sa sarili, maging malaya, at makapagsarili.
Inampon ni Macapagal ang pananaw ng mga historyador at marami pang lider pampulitika na Hunyo 12 dapat ang petsa ng paglaya ng bansa dahil ang Hulyo 4 ay ang pagpapanumbalik ng kalayaang ito. At ganoon na nga, noong 1941, inilipat din ang Araw ng Watawat papuntang Hunyo 12, mula sa dating pagdiriwang nito tuwing Oktubre simula pa 1919. Ginawa ito upang bigyang-pagkilala ang kahalagahan ng Hunyo 12 noong ipinahayag ang kalayaan ng bansa at pormal na itinanghal ang pambansang watawat at pambansang awit sa mga Filipino.
Noong 1964, ipinasá ng Kongreso ng Pilipinas ang Republic Act No. 4166, na pormal na itinalaga ang Hunyo 12 ng bawat taon bilang araw ng kalayaan ng Pilipinas. Ginugunita ng petsang ito ang anibersaryo ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas dahil nananatili itong petsa ng pagtatatag ng moderno at malayang Republika ng Pilipinas, pati na rin ng ating pagkabansang malaya mula sa mga mananakop na kinikilala ng buong mundo. Mula 1964 hanggang 1984, ipinagdiriwang ang Araw ng Republikang Filipino bilang isang national holiday.
Mababakas ang pinagmulan ng Philippine-American Friendship Day noon pang 1955, nang pinasimulan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Philippine-American Day sa bisa ng Proclamation No. 212, s. 1955. Nang sumunod na taon, sa bisa ng Proclamation No. 363, s. 1956, ginawa nang taunan ang pagdiriwang.
July 4, 1946: During the inauguration of the Third Republic, President Manuel Roxas shakes the hand of General Douglas MacArthur of the United States.
Sa isang bahagi naman ng administrasyong Marcos, binago ang pangalan ng Philippine-American Day at ginawang Philippine-American Friendship Day. Inilipat din ito sa Hulyo 4, na tinabunan naman ang petsa ng pagdiriwang ng Araw ng Republikang Filipino. Dahil pinawalang-bisa ng Batas Militar ang Ikatlong Republika at ang 1935 Konstitusyon, hindi magandang taktikang pampulitika ang ipaalala sa publiko ang lumang republika. Ito ang rason kung bakit noong inilabas ni Pangulong Marcos ang Proclamation No. 2346, s. 1984, tanging Philippine-American Friendship Day ang kinilala at ibinaba ito sa pagiging working holiday na lang.
Sa administrasyon naman ni Pangulong Corazon C. Aquino, pormal na inalis ang nakasanayang pagdiriwang ng Philippine-American Friendship Day at Araw ng Republikang Filipino bilang non-working holiday. Nagbigay ang Administrative Code of 1987 ng listahan ng mga non-working holiday at hindi kabilang dito ang Hulyo 4.
Taon 1996, muling ginunita ni Pangulong Fidel V. Ramos ang anibersaryo ng Araw ng Republikang Filipino sa bisa ng Proclamation No. 811, s. 1996, subalit hindi sa pamamagitan ng isang holiday. Bagkus, nagdaos ng mga pampublikong selebrasyon na umaalala sa 50 taon ng ating kalayaan. At tuwing Hunyo 12 naman, ipinagdiriwang ng bansa ang anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan na nawala noong matalo ang Unang Republika at naibalik na lang noong 1946.
Answers & Comments
Answer:
ARAW NG REPUBLIKA