Magtulungan Tayo: 1. Panuto: Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito. Ang Modyul ni Emry Si Emry ay nasa ikalawang baitang ngayon. Libangan niya ang paglalaro sa kaniyang Ipad, pagguhit at panonood ng mga palabas sa Youtube channel. Dahil sa pandemic, hindi siya makalabas ng bahay. Masaya siya nang magsimula ang pasukan. Hindi man siya makapunta sa paaralan, pinakahihintay naman niya ang pagdating ng modyul. Oktubre 5 nang magsimula ang klase. Hinintay niya ang pagdating ng kaniyang papa na siyang kumuha ng modyul. Sinalubong niya ito sa pintuan at agad na kinuha ang envelope na pinaglalagyan nito. Dali-dali niya itong binuksan at kinuha ang nasa loob. "Papa, Papa, there's a story book inside. Can I read it now?" tanong niya. Hindi pa man nakakasagot ang ama nito ay binuklat niya ito. "But this is not English, how am I suppose to understand this?", malungkot na tanong niya. Ibinalik niya ang modyul sa envelope. Sumabad ang lola ni Emry, "ayan kasi, pa-Ingles-ingles kayo sa anak niyo, ngayon paano ang pagsagot niyan?" Nagkatinginan ang mga magulang ni Emry at nagkatawanan sila. "No problem, Mother, I'll be the translator, no sweat." sagot ng Papa. - Gesille G. Grande DepEd, Borongan City Division Mga tanong 1. Ano ano ang nakahiligang gawin ni Emry? 2. Bakit kaya masaya siya kahit hindi nakalalabas ng bahay? 3. Paano mo mapatutunayan na interesado si Emry na matuto? 4. Sa iyong palagay, tama kaya ang lola ni Emry sa kaniyang sinabi? Patunayan ang iyong sagot. 5. Magbigay ng tatlong mahahalagang pangyayari sa anekdotang nabasa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.