Ang pagtaas ng bilang ng mga superhero na nakikita sa komiks, telebisyon, nobela at maging sa internet ay nagiging salamin ng kultura at ng tunay na sitwasyon ng mga Pilipino sa modernong panahon. Ang bawat katangian ng mga karakter ay representasyon ng ating mga mamamayan na saksi sa talamak na kahirapan , krimen at kaguluhan na nagdulot ng kawalan ng pag-asa ng mga tao. Ang mga kwentong ito nagsisilbing paraan upang maiparating sa mga kinuukulan ang mga daing, pighati, paghingi ng tulong at kasawian ng mga tao sa kasalukuyan. Wala man sa realidad ng buhay ang mga halimaw at mga masasamang indibidwal na nagtataglay ng mahika ngunit ang mga ito ay sumisimbolo sa paghihirap na nararanasan ng ma tao sa karaniwang pamumuhay. Ngunit hindi lang simpleng pakikipagsapalaran ang pinagdadaanan ng mga bida sa mga kwentong ito sapagkat ang bawat sitwasyon ay kinapapalooban din ng mga eksena na may kurot sa puso. Ang pagpapahalaga sa pamilya, kaibigan at minamahal sa buhay ay mababakas sa lahat ng kanilang pakikipagsapalaran, maging ang pagiging relihiyoso.
Answers & Comments
Answer:

Brainly pls<3