Ang kahalagahan ng kaibigan ay parang isang dyamante na mahirap hanapin sa mundo. Bagkus ang kaibigan ay isang taong mahalaga, mapagkakatiwalaan, at handang sumuporta ng walang hinihinging kapalit. Sila ang sandalan sa mga oras ng pagsubok o problema. Handa silang makinig Ang kahalagahan ng kaibigan ay ang pagiging kaagapay at sandalan ng isang tao sa hirap at ligaya. Dahil sa isang panlipunang nilalang ang isang tao, natural lang na nangangailangan siya ng karamay upang panatilihing malusog ang kanyang isipan. Sa aking pananaw, hindi nasusukat ang halaga ng isang kaibigan. Hindi rin kinakailangang nakabatay sa mga kondisyon ang pagkakaibigan. Ang pagkakaibigan ay nararapat pinangangalagaan at hinahanapan ng solusyon kung sakaling magkaproblema man. Ang tunay na kaibigan ay parang isang boteng gawa sa salamin. Kung mababasag maaaring hindi na maibabalik sa orihinal. Napakahirap rin ang makahanap ng taong makakausap at makakwentuhan ng hindi ka huhusgahan. Ang kaibigan na mapagkakatiwalaan. Ang kaibigan na hindi lang basta kasama kundi bibigyan ka ng payo at lakas ng loob. Malaking parte ang ginagampanan nila sa ating buhay sa saya man o sa lungkot, sa galit at pait.
Tula(Poem)
Siyang kaibigan na hindi kailanman aalis, Magpapahid ng luha, aalisin ang iyong dungis
Sa iyong kahinaan ay sandigan ng lakas
Kasama mo sa problema hanggang ito ay malutas.
Ang isang kaibigan ay malawak ang tanaw
Suporta ay nariyan, laging nag-uumapaw
Gagabayan ka at hindi pababayaan
Ikaw ay aakayin, kasama mong tutungo sa paroroonan
Answers & Comments
TALATA(ESSAY)

Tunay na kaibigang maaasahan
Sa panahong kailangan ng masasandalan
Ano mang oras pwede mong sabihan
Andyan parati handa kang damayan
Kaibigang tapat at totoo
Sasabihin ng harapan ang ayaw at gusto
Magdamdam ay di sasadyain
Dahil ito ay para sa ikakabuti mo rin
Magdamdam ay di magagawa
Dahil anjan ang pangunawa
Laging molang tatandaan
Ano mang mangyari dika iiwanan