SANAYSAY NA NAGHAHAMBING SA TEKNIKAL, REFERENSYAL, AKADEMIK, AT DYORNALISTIK NA PAGSULAT
Ano nga ba ang pagsulat? Bakit ito mahalaga sa atin bilang mag-aaral? Ano-ano ang mga uri nito?
Ang pagsulat ay paraan ng paggawa ng paglalahad para sa iba’t ibang layunin. Mayroong iba’t ibang uri ng pagsulat. Kabilang dito ang teknikal, referensyal, akademik, at dyornalistik na pagsulat.
Ang unang uri ay ang teknikal na pagsulat. Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin. Ang mga halimbawa nito ay ang ulat panlaboratoryo at kompyuter. Karaniwan ang taknikal na pagsulat ay ginagamit sa mga negosyo upang makabenta o makapagpakilala ng mga produkto.
Referensyal na pagsulat ang tawag sa uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa. Makikita ang ganitong uri sa mga bibliography, index, at note cards.
Ang akademik na pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Ilan sa mga halimbawa nito ang kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, at term paper o pamanahong papel.
Saklaw naman ng dyornalistik na pagsulat ang balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
Ang iba’t ibang uri ng pagsulat ay mayroon iba’t ibang pormat at paraan ng pagsasalaysay o paglalahad ng impormasyon.
Explanation:
Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng pagsulat, maaari mong i-click ang link na ito:
Answers & Comments
Verified answer
Answer:

brainly.ph/question/69401
#BRAINLYFAST