Tuwing eleksyon tayo ay nasanay na sa mga kandidatong nagbibigay ng pahayag sa harap ng maraming tao. Sa ganitong paraan ay maipapaalam nila sa mga tao ang kanilang hangarin sa kanilang pagtakbo. Pati na rin ang mga proyektong palano nilang gawin kung sakaling sila ay papalaring manalo.
Sa ganitong pagkakataon dapat tayo ay maging mapanuri at matalino upang tayo ay hindi madala ng kanilang matatamis na salita. Huwag tayong magpadala sa kanilang mga pangako bagkus ay magsaliksik din sa kakayahan ng isang kandidato na tuparin ang kaniyang propaganda. May mga taong hindi pamilyar sa tamang proseso ng pagpili ng tamang kandidato. Ngunit sa panahon ngayon ay marami ng posibleng paraan upang mapag-alaman ito.
Isipin ang bansa bago ang sarili sa pagpili ng kandidatong iboboto upang hindi magsisi at masigurado na may magagawa ang opisyal na ito kapag siya ay naitalaga na sa puwesto. Kung papalarin na tapat at may malasakit sa bayan ang taong mapipili ay siguradong magkakaroon ng kaunlaran ang bayan. At kabaligtaran naman kung ang maluluklok ay ang mga taong may sarili lamang na interes.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: