Magsaliksik ka ng isang mitolohiyang Pilipino mula sa mga aklat o sa Internet. Pagkatapos ay ihambing ito sa binasa nating mitolohiya mula sa Iceland. Gamitin ang dayagram sa ibaba para sa gagawing paghahambing
pagkakaiba
pagkapareho
pagkakaiba
please po paanswer po please
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Mga Halimbawa ng Mitolohiya sa Pilipinas:
1. Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
2. Mariang Makiling
Halimbawa:
Ang mitong "Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan" ay nagmula sa Ifugao. Ito ay tungkol sa mag - asawang sina Wigan at Bugan na nagnanais na magkaroon ng anak. Sa kanilang pag - uusap ay nagpasya si Bugan na tunguhin ang mga Diyos sa Silangan upang doon ay hilingin na sila ay pagkalooban ng anak. Sa galak ng mga Diyos nang makita si Bugan ay inutusan nila itong bumalik kay Wigan at matapos ay tuturuan sila ng ritwal upang sila ay magkaanak. Sinunod ng mag - asawa ang ritwal at hindi nagtagal si Bugan ay nagdalang - tao.
Ang Mitolohiyang Iceland
Ang mga mitolohiyang Norse ay binubuo ng mga kuwento ng iba't ibang mga diyos, mga nilalang, at mga bayani na nagmula sa maraming pinagkukunan mula kapwa bago at pagkatapos ng paganong panahon, kabilang ang mga manuskrito ng Edad Medya, mga arkeolohikal na representasyon, at katutubong tradisyon.
Maraming mga diyos ang nabanggit sa mga pinagmulang teksto tulad ng kanilang pinakamataas na diyos na si Thor na laging may dalang martilyo; si Odin na may iisang mata; ang magandang diyosa Freyja na pumupunta sa parang ng mga labanan upang kunin ang mga napaslang; ang mapaghiganting diyosa na si Skaði; ang makapangyarihang diyos na Njörðr, na maaaring kalmahin ang parehong dagat at sunog at bigyan ang kayamanan at lupa; ang diyos ng pagaani, kasiyahan at kapayapaan na si Freyr; ang diyosang Iðunn na nagtataglay ng mansanan na magbibigay ng walang hanggang kabataan; ang misteryosong diyos a si Heimdallr na may kakaibang mga kapangyarihan; at si Loki na isang tuso at mapagbirong diyos na nagdudulot ng trahedya sa mga diyos.
Pagkakapareho
ang mito ay patungkol sa paglalakbay para hanapin ang mga pinaniniwalaang diyos para masolusyunan ang problema ng mga karakter sa kwento.
Pagkakaiba
Ang presentasyon ng kanilang mitolohiya ay magkaiba, magkaiba ng mga pangalan at uri ng diyos ang inuulat nila, magkaiba ang ikot ng kwento at ang presentasyon ng mga karakter sa kwento
#BRAINLYFAST
Explanation: