Magsaliksik gamit ang internet sa mga sangkap sa pagluluto ng adobong manok o anumang pagkain na gustong
gusto ng iyong pamilya. Ihanda ang mga ito. Sa tulong ng iyong
Nanay o nakakatandang kapatid, gamitin ang
rubric sa iyong pagtataya sa iyong ginawang paghahanda.
Answers & Comments
Answer:
pa brainliest po
Explanation:
Ingredients
1 kilo chicken
3 tablespoon cooking oil
4 pisngi bawang
½ sibuyas (medium size – pula o puti)
10 tablespoon toyo
5 tablespoon suka
½ tablespoon brown sugar
½ teaspoon paminta (powder or crushed)
3 cups water
3 laurel leaves – optional
Preparation
Hiwain ang manok sa inyong gustong sukat.
Hugasan ang manok at patuluin.
Step By Step How To Cook Chicken Adobo
Ipainit ang mantika sa kawali
Igisa ang bawang at sibuyas
Isunod ang manok
Haluin at takpan
Paminsan-minsan ay haluin hanggang mag-iba ang kulay ng karne
Pag nawala na ang pinkish color ng hilaw na karneng manok at pantay na ang kulay, ay ihalo na ang toyo at igisa ng isang minuto. Para mag-blend ang kulay ng toyo. Tandaan na medium heat lang ang apoy
Ihalo ang tubig, suka, asukal at paminta. Kung mayroong laurel, isama nadin ito.
Takpan at hintaying kumulo. Haluin paminsan-minsan. Hinaan ang apoy
Pagkaraan ng 30 minutes, tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo o suka at konting tubig pa
Takpan uli. Pakatandaan na medyo mahina nalang ang apoy nito. Para hindi ito matuyuan ng sabaw at para manuot ang sarsa sa manok
Kung kayo ay nagdagdag ng inyong sarsa, ito ay kailangang mapakuluan uli sa mahinang apoy
Para malaman kung luto na ang manok ay tusukin ng tinidor ang laman ng karne. Kapag ang tinidor ay tuloy-tuloy na bumaon, ito ay siguradong luto na PERO pag ito ay lumalaban pa, kailangan na takpan muli ng ilang minuto pa.
Tips
Mas mabango kung ginigisa sa bawang at sibuyas ang adobo ninyo, kesa sa pinaghalong lahat ang sangkap at pinakuluan lamang.
Reminders
Pag nasa boiling point na hinaan ang apoy na parang sini-simmer na lang. Nasa inyo na kung papatuyuan ninyo ng sabaw (adobong tuyo) ang gusto ninyo o medyo may sarsa.