Questions


August 2022 1 1 Report
Magnifico Umikot ang kuwento kay Magnifico, fkoy ang ibinigay na palayaw sa kaniya ng kaniyang magulang. Lumaki sya sa mahirap pamilya. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan na niya ang kaniyang pamilya tulad ng pag aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit Sinikap ng batang si ikoy na matugunan at makatulong sa pangangailangan ng pamilya, sa katunayan ay gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng kaniyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda ng kasuotan nito kapag namatay na ang kaniyang lola na may taning na ang buhay. Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ipinangako din niya sa kaniyang kapatid na dadalhin niya ito sa perya upang maglibang. Hindi nawalan ng pag-asa si Ikoy. Ginawa niya ang lahat para magawa niya ang kaniyang pangarap. Nag ipon siya upang matupad ang pangako niya kay Helen. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay lumala ang kalagayan ng kaniyang lola, pinambili ni Ikoy ng gamot ang naipong pera na gugulin sana sa sa pagpunta nila ng kapatid sa perya. Tinupad ni Ikoy ang pangako kay Helen. Pinasan niya ito at dinala sa perya at sa unang pagkakataon ay narinig niyang nagsalita ang kapatid. Naging masaya si Helen sa pagpasyal sa perya. Sa kanilang pag-uwi ay nakita sila ni Mang Domeng. Noon nito nabatid kung bakit nais rentahan ni Ikoy ang kaniyang wheelchair na walang gumagamit. Napagdesisyonan nitong ibigay ang wheelchair nang walang bayad. Noong araw na pinuntahan ni Ikoy si Mang Domeng ay nakita niya itong mahahagip ng sasakyan. Sumigaw siya. Nakaligtas si Mang Domeng subalit siya ang nahagip ng rumaragasang sasakyan. Ito ang dahilan ng kaniyang maagang kamatayan. Isinilid ang labi ni Ikoy sa makulay na kabaong na kaniyang ginawa para sana sa kaniyang lola kapag namatay ito. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kaniyang natulungan at nakasama.

Suriin Mo!
Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga gabay na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang paksa o tema ng pelikula?
2. Ano ang layunin o nais nitong ipabatid sa mga manonoo?
3. Sino-sino ang mga pangunahin at pantulong na tauhan at ang papel na ginampanan nila?

Report di umayos sa pag sagot.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.