Magkaisa, Labanan ang Covid-19
Perwisyo ang sakit na novel Coronavirus (nCoV) o ang tinatawag na Covid-19. Kaya
naman, ang Republic Act 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act” ay nilagdaan ni Pangulong
Rodrigo Duterte noong ika-24 ng Marso, 2020. Ang batas na ito ay nagbibigay ng “special
authority” sa ating pangulo para malabanan ang paglaganap ng Covid-19 sa ating bansa.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang kahulugan ng Co ay corona, ang Vi ay
virus, at ang D ay disease. Ang 19 naman ay kumakatawan sa taon kung kailan natuklasan ang
sakit na ito.
Disyembre 2019 nang unang kumalat sa Wuhan City ng China ang isang sakit na
maihahalintulad sa pneumonia. Mabilis itong kumalat sa mga karatig na bansa kabilang na rito
ang Pilipinas.
Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) Kontra
Covid-19 noong ika-22 ng Hunyo, 2020, tinatayang nasa mahigit tatlumpu’t libong mga indibidwal
ang tinatamaan na ng sakit na ito sa ating bansa. Patuloy pa rin itong sumisira sa pangkabuhayan
at pangkalusugan ng bawat Pilipino.
Dito sa Lungsod ng Valencia, naitala ang unang kaso ng Covid-19 sa Barrio Lumbayao
matapos magpositibo ang isang Barangay Official noong ika-9 ng Abril, 2020. Nagdulot ito ng
matinding takot at pangamba sa mga tao. Isinailalim sa Strict Enhanced Community Quarantine
ang nasabing barangay hanggang ika-26 ng Abril, 2020 upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Maraming establisimento ang hindi pinayagang magbukas sa mga panahong ito kung
kaya’t marami rin ang nawalan ng trabaho at kabuhayan. Ipinagbabawal ang paglabas ng mga
tao sa kani-kanilang mga bahay kung hindi naman ito tungkol sa pangunahing pangangailangan.Kung kaya, isa sa mga kautusan mula kay Pangulong Duterte para sa lahat ng ahensiya
ng gobyerno ay ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng pangkabuhayan.
Nariyan ang pagbibigay ng mga pagkain at pera mula sa mga barangay, munisipyo at Social
Amelioration Program o SAP mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Agad namang kumilos ang ating munisipyo para tugunan ang utos ng pangulo.
Subalit aminado ang karamihan lalong-lalo na ang mahihirap na kahit nabigyan ng tulong
ay hindi pa rin ito sasapat para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Sinasabing makakaiwas
nga sa sakit pero mamamatay din sila sa gutom kapag hindi nakapaghanap-buhay.
Gayunpaman, mahigpit ang pagpapatupad ng gobyerno sa mga panukala at batas kaya
napipilitan ang lahat na sumunod.
Dahil dito, natutong magtipid ng pera at pagkain ang lahat ng tao. Gumagawa rin ng
sariling diskarte sa pagtitinda sa pamamagitan ng online selling, pagtatanim ng mga gulay at
pag-aalaga ng mga hayop sa bakuran. Natututong pahalagahan ang kalinisan sa buong paligid
at sarili. Makikita rin ang pagkakaisa, pagbibigayan at pagtutulungan sa kapwa. Ang mga ito ang
magandang naidudulot ng Covid-19 sa atin.
Kahit nahihirapan, kailangang magkaisa upang labanan ang pagsugpo sa sakit na ito.
Maging masunurin sa lahat ng panukala at batas na ipinatutupad ng ating gobyerno. Kumain ng
masustansiyang pagkain at regular na mag-ehersisyo. Sa ganitong paraan lamang natin
malalabanan ang pagkalat ng Covid-19.
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng binasang editoryal?
2. Ano ang sinabi o opinion ng sumulat ng editoryal tungkol sa Covid-19?
3. Bakit sinasabing perwisyo ang sakit na Covid-19? Magbigay ng tatlong dahilan.
4. Magbigay ng tatlong bagay na sa iyong palagay ay magandang naidulot ng pandemya sa
Covid -19?
5. Ano-ano ang mga mungkahing ibinigay upang malabanan ang Covid-19?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.