Inggit, isa ito sa dahilan ng pagtataksil sapagkat ang isang tao na nakararanas nito ay kayang manloko o gumawa ng masama laban sa kanyang pinaglilingkuran. Isa sa halimbawa nito ay ang pagkuha ng mataas na posisyon sa isang kompanya. May mga taong gagawin ang lahat ng uri ng paninira sa isang tao na may hawak ng posisyon mapalitan lamang ito.
Hindi matapat, ang kawalan ng katapatan ay kayang pumanig sa iba ng walang pag-aalinlangan. Isa sa halimbawa nito ay ang mga taong gumagawa ng labag sa kalooban ng Dios; wala silang tigil sa paggawa ng kasalanan sapagkat ang katapatan nila sa amang lumikha ay hindi matatag.
Pang-aabuso, may ilan naman na nagtataksil dahilan ng sobrang pang-aabuso ng kinakasama o pinaglilingkuran. Isa sa mga ito ay ang mga babaeng nasasaktan ng mga asawang lalake ng walang dahilan. Dahil sa mga ganitong pangyayari nakatatagpo sila ng taong sa tingin nila ay mamahalin sila.
Answers & Comments
Verified answer
Tatlong Dahilan ng Pagtataksil
Para sa pagsasanay ng ating kabutihang asal:
brainly.ph/question/702223
brainly.ph/question/780702
brainly.ph/question/552930