Si Kabunyián, maaari ring Kabunyán, ay bahagi ng katutubong pananampalataya sa rehiyon ng Cordillera sa Hilagang Luzon. Siyá ang pinakadakilang bathala para sa mga Ifugaw, Kalinga, at Tinggian. Para sa mga taga-Bakun, Benguet, si Kabunyian ay naninirahan sa bundok na may gayunding pangalan samantalang para sa mga Ibaloi at Kalanguya, siyá ay naninirahan sa bundok ng Pulag sa pagitan ng Benguet at Ifugao.
Sa isang bersiyon ng mitolohiyang Ifugaw, bumabâ si Kabunyian mula sa langit at nagpakasal sa isang babaeng tagalupa na may pangalang Bángan. Nagkaroon silá ng tatlong anak. Pagkapanganak sa kanilang ikatlo, kinailangan nang bumalik ni Kabunyian sa langit dahil ang kaniyang pagiging diyos ay hadlang sa kaniyang pananatili sa mundo. Napagkasunduan nilá ni Bangan na paghatian ang kanilang mga anak. Si Kabigat, ang panganay na lalaki, ay maninirahan sa lupa kasáma ang kaniyang ina. Si Daungen, ang anak na babae, ay maninirahan sa langit kasáma ang kaniyang ama. Dahil hindi nilá maipasiya kung kanino mapupunta ang pangatlong anak, hinati ni Kabunyian ang katawan ng bunso at ginawang buo ang bawat kalahati. Napunta kay Bangan ang kalahating naging babae at tinawag siyang Bugan. Kasáma ang kanyang kapatid na si Kabigat, silá ang nagparami sa lahi ng tao sa lupa. Napunta kay Kabunyian ang kalahating naging lalaki at tinawag siyáng Lumawig. Sina Lumawig at Daungen ay naging diyos at diyosa sa langit.
Minsang napagpapalit bilang pinakamataas na bathala sina Kabunyian at Lumáwig. Para sa mga Bontok, si Lumáwig ang itinuturing na pinakamataas na diyos.
Answers & Comments
Answer:
Kabunyián
(Mitolohiya ng Ifugao)
ni:Jamaica Butcon-10-Emerald

Explanation:
Hope it helpful!