Bawat indibiduwal sa ngayon ay kailangan magkaroon ng espirituwalidad. Maituturing na mahalaga dahil dito tayo magkakaroon ng magandang kaugnayan sa ating Diyos. Ang ating espirituwalidad ay makakatulong para magkaroon ng pananampalataya at malinang pa ang ibang magagandang katangian upang maging mabuting mamamayan. Pahalagahan ang espirituwalidad at huwag hayaan itong mawala o masira.
Limang sitwasyon na nagpapamalas ng mabuting pagkatao na tanda ng maunlad na espirituwalidad:
Magiging masunurin at mapagpasakop sa mga magulang at mga nakakatanda
Pagiging magalang at patuloy na nagsasabi ng po at opo
Patuoy na nananalangin, nagbabasa ng bibliya at hindi nakakalimutan ang pagsamba tuwing linggo
Handang tumulong sa mga taong nangangailangan
Mayroong respeto sa lahat ng uri ng tao at hindi nagtatangi
Basahin pa ang mga puntong ito:
Makikita sa bawat pagkilos ng isang tao kung maunlad ba ang espirituwalidad niya. Maoobserba natin ito sa kaniyang pananalita at paggawi kung paano siya makitungo at magtrato sa iba. Gayundin, sa paraan ng pamumuhay niya maipapamalas ang pagkakaroon ng mabuting kaugnayan sa Diyos. Kaya hindi sapat ang puro salita lang at hindi ito kinikilos. Kailangan ipakita sa mga gawa ang pagkakaroon ng maunlad na espirituwalidad. Tayo rin mismo ang makikinabang kung gagawin natin ito.
Dahil mayroon tayong espirituwalidad, tutulong ito na gumawi tayo ng tama at nahuhubog rin nito ang pagkatao natin. Nalilinang natin ang mga bagay na kailangan pasulungin at tumatanggap tayo ng mga payo at suggestion ng ibang tao. Gayundin, nakikinabang rin ang iba sa atin kung pauunlarin ang espirituwalidad dahil nagsisilbing halimbawa tayo para sa kanila. Kaya huwag natin kakalimutan sa buhay natin na magkaroon nito sapagkat maituturing na mahalagang aspeto ito ng paraan ng pamumuhay natin.
Titibay rin ang ating pananampalataya at mas titibay rin ang ating kaugnayan sa Diyos. At mas uunahin natin siya kaysa sa iba pang mga bagay. Walang higit na mahalaga kundi ang ating malapit na pagkakaibigan sa Diyos. Kaya ngayon pa lamang ay paunlarin na natin ang ating espirituwalidad at huwag itong balewalain sa buhay.
Naisin mo pa bang makapagbasa na may kinalaman sa ating paksa, puwede ka pang bumisita sa mga links na ito para sa karagdagang mga punto:
Answers & Comments
Verified answer
Pagkakaroon ng Espirituwalidad
Bawat indibiduwal sa ngayon ay kailangan magkaroon ng espirituwalidad. Maituturing na mahalaga dahil dito tayo magkakaroon ng magandang kaugnayan sa ating Diyos. Ang ating espirituwalidad ay makakatulong para magkaroon ng pananampalataya at malinang pa ang ibang magagandang katangian upang maging mabuting mamamayan. Pahalagahan ang espirituwalidad at huwag hayaan itong mawala o masira.
Limang sitwasyon na nagpapamalas ng mabuting pagkatao na tanda ng maunlad na espirituwalidad:
Basahin pa ang mga puntong ito:
Naisin mo pa bang makapagbasa na may kinalaman sa ating paksa, puwede ka pang bumisita sa mga links na ito para sa karagdagang mga punto:
Ang ibig sabihin ng salitang espirituwalidad: brainly.ph/question/2446769
Ilan sa mga halimbawa ng pagkilos na may espirituwalidad: brainly.ph/question/2111315
#BrainlyEveryday