Magbigay ka ng bagay or pangyayari na naprove mo sa sarili
Answers & Comments
cyreal4463
May mga pangyayare sa buhay ko na di ko inaakala, para sa akin minsan na ring nawalan ako ng gana sa lahat o pagkakaroon ng depression sa mga bagay bagay. Akala ko di na ako magiging maayos noon at hahantong nalang sa pagiging ganoon. Pero noong nagsimula akong magdasal at baguhin ang nakasanayan ko. Dati madalang lang akong pumasok sa iskwela pero ngayon dahil may pandemya ay natutukan kona ito kahit nasa bahay lang ako. Lagi nadin akong nagdarasal at itinuon ang aking sarili sa mga bagay na aking ikakasaya ko. Malamit na akong maging malungkot at parang walang gana, sobrang naprove ko sa sarili ko na nabago ko kahit kaunti ang sarili ko.
Answers & Comments