Magaling! Naipakita mo ang iyong papapahalaga sa mga kontemporaryong isyu na maaari mong pagtuunan ng pansin dahil bahagi ka ng pagbabago ng ating lipunan. Handa ka na bang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa paksa? Muli mong bigyan ng pansin ang susunod na pagtatalakay at unawain ang kahalagahan ng pag-aaral sa kontemporaryong isyu. Paksa 2: Kahalagahan ng Pag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu Ngayon, iyong tunguhin ang kahalagahan ng pag-aaral sa kontemporaryong isyu, Ang sumusunod ay mga nalikom na kaisipan mula sa mga nabasa, narinig at naibahagi ng mga dalubhasa o ng mga mismong may karanasan sa isang pangayayari, suliranin, opiniyon o ideya. Aralin ang mga ito at pansinin kung humahawig sa iyong karanasan. sa mga kontemporaryong isyu ang 1. Bilang isang mag-aaral, ang kaalaman mo magiging daan upang maging mulat sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Isang paraan din ito upang iyong matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa lipunang iyong kinabibilangan. 2. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, matututo kang tumimbang ng mga sitwasyon. Natutukoy ang kabutihan at di kabutihan nito. 3. Ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ang lilinang sa iyong kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba't ibang paraan ng pamamahayag. Nahahasa rin ang iyong kasanayang pangwika, panggramatika at iba pang mabisang kasanayang magpabatid ng kaisipan. 4. Napapaunlad din ang iyong kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin. 5. Napapalawak ang kaisipan kapag maalam sa mga impormasyon, ideolohiya, kasaysayan, pagkakaiba ng kultura at iba pang mahahalagang kaganapang may kinalaman sa partisipasyon at pagpapasya. 6. Ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu ay nagpapatalas ng kaisipan at matanto ang angkop, handa at agarang pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon. 7. Napapalawak din ang kakayahang pagpapahalaga sa mga tuwiran at di tuwirang ambag ng pangyayari, suliranin o anumang isyu. 8. Potensyal na pagkakataon ito upang maging mapanuri at mapagtugon na kabahagi sa Snoy pagbuo ng lipunang mulat at matalinong tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.