Ang kapaligiran ay ating pahalagahan. Ito ay isang napakagandang biyaya ng Maykapal sa bawat nilalang dito sa mundong ibabaw. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba.
Kapag patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, magiging sanhi ito ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa maging sa buong mundo. Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Kalikasan hindi lang para sa sarili kundi maging sa susunod na mga henerasyon.
Ako at ikaw bilang isang estudyante tayong lahat ay makakatulong. Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad. Kumilos na tayo habang pwede pa nating isalba at matatamasa ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon. Makiisa, makitulong at simulan ang pagbabago.
Answers & Comments
Answer: