Una sa lahat, nais ko kayong pasalamatan sa lahat ng mabuting bagay na ginawa niyo para sa akin at sa amin ng mga kapatid ko. Sa pag-aalaga at pagpapalaki sa amin, hanggang sa patuloy na pag bigay ng mga hiling at pangangailangan namin. Maraming Salamat sa inyo nanay at tatay.
Kayo ang naging kasangga at gabay ko sa aking mga pagsubok at problema. Hindi ko malilimutan ang mga panahon na hinang-hina ako at nandiyan kayo sa tabi ko handang tumulong… Salamat rin po pala sa malaking parte niyo sa pagtupad sa mga pangarap ko. Dahil ramdam ko ang pagmamahal niyo at suporta sa mga mabubuting bagay na gagawin ko.
Sana patawarin niyo ako sa mga minsan kong pagsagot sa inyo. Sa hindi ko pagsunod at pagrespeto sa inyo. Patawarin niyo rin ako sa pagiging pasaway ko. Sana mapatawad niyo ako sa mga maling gawain na nagawa ko… Gagalingan ko po lalo sa aking pag-aaral upang maitayo ko po kayo sa hirap ako po ang magiging boses nyo kung kayo ay wala nang boses para ipagtanggol ang ating pamilya, ako po ang gagawa ng mga pangarap nyong hindi nyo nagawa dahil sa hirap ng buhay kayat nay tay asahan nyo pong aalagaan po namin kayo gaya ng pag aalagang ginawa nyo sa amin nung kamiy mga musmos pa lamang.
Alam ko na sa balang araw na pagtanda niyo ay mababawasan ang inyong mga lakas, kung kaya’t nandirito kami ng mga kapatid ko na handang tumulong at alagaan kayo. Magpalakas pa po kayo dahil gusto pa po namin kayong makasama ng matagal at sulitin ang bawat sandali na kapiling namin kayo. Sana patuloy tayong magmahalan at magtulungan. Hindi namin kayo malilimutan, Maraming Salamat muli Nanay at Tatay!
Answers & Comments
Answer:
Mahal kong mga Magulang,

Nagmamahal, inyong anak
Explanation: