Tanong: Bilang kabataan/mag-aaral na may malasakit at pagmamahal sa ating inang kalikasan, ano-ano ang iyong maaaring maging ambag na pagtugon upang mabigyang solusyon ang mga suliranin sa ating kapaligiran na kinahaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan at paano mo hihikayatin ang mga kapwa mo kabataan na tumulong sa ating pamahalaan sa pagpapanatili at pangangalaga ng kapaligiran nang maiwasan ang masamang epekto nito sa tao at sa bansa?
Answers & Comments
Verified answer
Paano mapapangalagaan ang kalikasan bilang kabataan?
Una, magsisimula ito sa aking sarili. Kinakailangan ng disiplina sa sarili at pagsasabuhay nito. Gagawa ako ng maliliit na hakbang upang mapangalagaan ang kalikasan. Tulad na lamang ng pagtatapon ng basura sa tamang tapunan, pagrerecycle ng mga basura hanggang sa pagtatanim ng mga halaman. Kasama rin ang pagbabawas ng paggamit ng plastik at patuloy na pagdadala ng sariling lalagyan kung mamamalengke o may bibilhin sa mall. Sa loob ng tahanan, naguumpisa rin sa pagtitipid ng tubig at kuryente na makakatulong din sa pagbawas ng bayarin.
Kailangan kong ipakita sa mga kapwa ko kabataan ang disiplina ko sa sarili upang mapangalagaan ang kalikasan. Kasabay nito ay ang panghihikayat sa mga kabataan tulad ng pagpapaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng sama-samang pag-iingat at pagbuo ng isang samahan at organisasyon para may mahikayat pang ibang kabataan na pangalagaan ang kalikasan sa iba't ibang paraan. Kung hindi kayang sumali o bumuo ng samahan maaaring suportahan ang mga proyektong pangkalikasan sa tulong ng donasyon ng mga recyclable na materyal, pagbibigay ng kaunting halaga o pagboboluntaryo sa anumang proyekto na malapit sa iyong tahanan o paaralan.
Iba pang paraan ng pangangalaga sa kalikasan: brainly.ph/question/14796306
#BRAINLYFAST