Madalas nakakarinig tayo ng mga salitang nagpapabago sa ating buhay sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang labinlimang taong gulang na manlalaro ng basketbol ang dumalo sa isang basketball camp na pinamamahalaan ng isang taong ang pangalan ay Easy Ed Macaulay. Sa isang bahagi ng pagsasanay ay sinabi niya: “Tandaan ninyo, kung hindi ninyo lilinangin ang inyong kakayahan hanggang sa kaya ninyong abutin, may isang katulad mo rin ang talento na nagsusumikap na maabot ang rurok ng kaniyang kakayahan. At isang araw kayo ay magtatapat sa isang laro, at mahihigitan ka niya.” Ang mga katagang ito ay labis na nakaapekto sa isa sa mga manlalaro doon – si Bill Bradley. Isinabuhay ni Bradley ang mga tinurang kataga ni Macauley. Nagsanay siyang mabuti at pinagbuti ang paglalaro. Naging sikat itong manlalaro sa haiskul at star player ng Princeton University sa kolehiyo. Ang kaniyang mga tagumpay ay lalo pang nagpasigla sa kaniyang pagnanais na mas mapahusay pa ang kaniyang kakayahan. Dahil dito siya ay naging mahalagang manlalaro ng New York Knicks’. Hindi pa rin doon nagtapos ang kanyang paghahangad sa kahusayan. Nang magretiro ito sa paglalaro ng basketbol ay tumakbo naman siyang pangulo ng America.Anong mga kataga ni Easy Ed Macaulay ang labis na nakatulong kay Bill Bradley upang magtagumpay? 2. Ano ang nagtulak upang lalong magtagumpay si Bill Bradley? 3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagtatagumpay ng isang tao? 4. Ano ang iyong motibasyon sa pagsusumikap na mapaunlad at magamit nang mahusay ang iyong talento at kakayahan?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.