Questions


October 2022 1 2 Report
Maaga siyang nag-asawa sa ngayo'y negosyanteng si Emar Allan Grande sa edad na 23 at biniyayaan ng tatlong anak na sina Gyle Eon, Emry Gaile at Elwyn Godofredo. Noong isa pa lamang ang kaniyang anak ay napagpasyahan niyang mag-aral muli. Kinuha niya ang kursong edukasyon sa Saint Mary's College of Borongan. Pagkatapos ng dalawa at kalahating taon, naipasa niya ang Licensure Examination for Teachers (LET) sa pamamagitan ng self-review. Nilibang niya ang sarili habang naghihintay ng resulta sa pagbibiyahe. Noong 2013 ay ganap na siyang naging guro. Una siyang nagturo sa malayong barangay ng San Mateo. Doon ay nakilala niya ang kaniyang mga bagong kaibigan. Habang nagtuturo, ipinagpatuloy pa din niya ang edukasyon. Nag-enrol siya sa Asian Development Foundation College sa kanilang Post-Graduate Program ng Masters in Education, major in Reading. Sumulat siya ng aklat para matapos ang kursong ito. Natapos niya ito noong 2019. Pagkatapos ng mahigit na anim na taong pagtuturo sa mababang paaralan ng San Mateo, nailipat siya sa mas malapit na paaralan sa kanilang tinitirhan, ang Sabang Central Elementary School. Patuloy siyang nagsisilbi bilang guro sa ikalawang baitang. Ito po ang kuwento ng inyong tagasulat, Gesille G. Gagni- Grande. -Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division Mga tanong 1. Kaninong kuwento ng buhay ang iyong binasa? 2. Paano niya sinulat ang kuwento ng kaniyang buhay? 3. Ano ang tawag sa tulad ng iyong binasa na nagsasalaysay ng kuwento ng buhay? 4. Bakit sinasabing hindi mapapantayan ng kahit anumang bagay ang pagtuturo sa mga bata? 5. Magbigay ng limang mahahalagang pangyayari mula sa iyong binasa. (5 puntos)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.