Questions


September 2022 2 2 Report
Luisiana: Little Baguio ng Laguna Miyerkoles noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin. Nakasakay kami ng aking mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang baryo na kung tawagin ay "Little Baguio." Ito ang lugar kung saan nakita ko ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at may mumunting pangarap. Dito, sila ay nagtatanim ng mga halamang gulay at ang mga hayop gaya ng kalabaw at baka ay malayang nakagagala sa paligid Sariwang isda naman ang nananahan sa malilinis na ilog. Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing-edad ko rin Magkaibigan ang aming mga magulang Pareho kaming nasa ikalimang baiting Pangarap ni Carl na makatapos ng elementarya at makapag-aral sa isang paaralang pansekondarya sa bayan, bagama't mayroon ding mataas na paaralan sa Little Baguio Ito ang baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila ba hangin ng Pasko JJ: Naalala ko pa nang magkakilala kami ni Carl. JJ: Kamusta ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw? CARL: Mabuti naman. Ako naman si Carl. Ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at malamig CARL: Little Baguio ang tawag naming sa lugar na ito JJ Sabi ko nga sa Tatay at Nanay ko, gusto kong manatili na lamang kami rito CARL: Paano ang pag-aaral mo sa bayan? JJ Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang Elementarya ng San Buenaventura CARL Aba, mabuti kung gaano. Sana maging kamag-aral kita, JJ: Sana nga, maraming Salamat, Carl​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.