lugnay mo ang iyong sariling karanasan sa binasang titik ng awit. Paano mo ipapakita ang pangangalaga sa iyong kapaligiran?
Sumulat ng maikling talata ukol dito.
Awit:
“Masdan Mo Ang Kapaligiran”
inawit ng Asin
Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin
Sa langit natin matitikman
Mayron lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit hindi natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Pagkat pag Kaniyang binawi, tayo'y mawawala na
Mayron lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap lang tayo magkantahan
answer pls༎ຶ‿༎ຶ.·´¯`(>▂<)´¯`·.
Answers & Comments
naiiugnay ko ang aking sarili sa awitin sa pamamagitan ng mga nagawa kong kasalanan na may mga ibang naapektuhan
Explanation:
sana makatulong hehe
Answer:
i uganay niyo raw po ang iyong karanasan sa kinantang awit. yung talata pong isusulat niyo ay tungkol sa paano mo ipapakita ang pangangalaga sa iyong kapaligiran.