I kindly need help here.
(katangiang pisikal ng kanlurang asya)
-kinaroroonan ng kanlurang asya?
-hugis ng kanlurang asya?
-anyo ng kanlurang asya?
-klima ng kanlurang asya?
-vegetation cover ng kanlurang asya?
PLS BE NICE I REALLY NEED IT RN >//<
nonsense=report
Answers & Comments
Answer:
Kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay makikita sa kanlurang bahagi ng kontinente ng Asya. Ito ay tinatawag din bilang Middle East Asia. Ang kanlurang Asya ay itinuturing na isa sa pinakamayamang rehiyon sa buong Asya dahil sa malaking bahagdan ng petrolyo at langis na ibinabahagi sa buong mundo ay nagmumula dito. Ito ay kinabibilangan ng:
Bahrain
Iran
Iraq
Israel
Jordan
Kuwait
Lebanon
Oman
Qatar
Palestinian
Sukat ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay mayroong kabuuang sukat na halos 6,255,160 kilometro kwadrado
Hugis ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay mayroong hugis na irregular dahil hindi tiyak ang hugis nito
Anyo ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay mayroong malawak na tuyong disyerto. Gayunpaman, may mga anyong tubig na makikita rito tulad ng:
Black Sea
Persian Gulf
Arabian Sea
Red Sea
Caspian Sea
Mediterranean Sea
Aegean Sea
Klima ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya sa kabuuan ay mayroong tuyong klima. Ito ay tinatawag din na arrid. Mayroon itong continental na klima sa hilagang mga rehiyon, tuyong klima sa timog, at Mediterranean na klima sa kanlurang hangganan.
Vegetation cover ng kanlurang Asya
Dahil sa pagkakaroon ng tuyong kapaligiran, walang natural na wild vegetation ang tumutubo dito. Gayunpaman, sa Karakum Desert makikita ang isang kakaibang puno, ang saxaul. Ang saxaul ay may kakaibang hugis at ito ay walang dahon. Ang pangunahing gamit nito ay bilang panggatong at nagagamit din ito bilang pagkain ng mga camels.
Mayroong 2,000 na species ng halaman ang matatagpuan sa disyerto ng Syria. Sa bundok ng Pontic sa hilagang Turkey makikita ang mga sumusunod:
Beeches
Conifers
Cherry laurels
Hollies
Creepers
Ang kagubatan na makikita sa Georgia at hilagang bahagi ng bundok ng Eburz sa Iran ay makikita ang mga sumusunod:
Holm oak (isang evergreen oak)
Aleppo pine (ginagamit sa paggawa ng mga barko)
Cistus
Mastic tree (na naglalabas ng mabangong resin)
Kinaroroonan ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay makikita sa timog ng silangang Europe. Ito ay napalilibutan ng Caucasus Mountains sa hilaga, sa silangan ay ng gitnang Asya, sa timog ng Africa
Explanation: