Questions


October 2022 1 0 Report
lisang Bangka at lisang Awit Tula ni Joseph Joshua Palapar Sa karagatan ng silangan may lugar na matatagpuan Islang banal na hinirang, bayan ng mga matatapang Ito ay ang lupa ng mga magigiting, ang langit ng masasaya Araw ng may dugong bughaw, isla ng may pag-asa Sa lupaing ito makikita mo ang makukulay na kultura Puno sa panitikan, awit, kwento na di mabubura karagatan ng bugtong, kamangha-manghang luto at alamat Na nakaukit sa kasaysayan at di matitibag ng habagat Isang bayan na hinabi, pinagbuklod ng hibla ng abaca Isang telang puno ng sining, na makikita rin sa mga balat nila Bayang pinagpala na handang ipagtanggol ng matalim na sibat Bayang minahal ng mga tao kahit maging dugo pa ang dagat Ano man ang aking minimithi, akoy magbabalik tanaw At nang makapagpasalamat sa mga ninuno sa bawat araw Ito ang aking ibig na sanay bayan natin ay di ipagpalit Sapagkat tayong lahat bahagi ng iisang bangka at isang awit




1.Ano ang makikita sa Isang banal na hinirang?

2.Ano ang ibig sabihin ng may akda ng sabihing "Na nakaukit sa kasaysayan at di matitibag ng habagat"?

3.Ano ang gustong ipahitawag ng may-akda sa kabuuan ng tula? ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.