SAGUTAN SA ISANG BUONG PAPEL. ISULAT ANG PANGALAN, SECTION, SUBJECT, AT PT3 Q2-PT3 SITWASYON Panuto: Basahin at suriin ng may pang unawa ang mga pahayag. Ang mga Pilipino ay likas na maparaan sa lahat ng pagsubok na ating dinaranas. May kakayahan tayong maging matatag sa kabila ng iba’t ibang hamon sa buhay. Sa kasalukuyang panahon, ang ating bansa ay dumaranas ng malaking pagsubok na dulot ng pandemya. Bukod sa pangkalusugan, higit na may malaking epekto ito sa ekonomiya, demand at suplay at sistema ng pamilihan. Maging ang nakamulatan at mga nakasanayan at kultura ay nagkaroon ng pagbabago. Lalong higit sa usapin ng paggawa na may dulot na epekto sa sarili, kapuwa, pamilya at lipunan. Maraming pangunahing pangangailangan ang tao na hindi matugunan sa panahon ngayon ngunit sa kabila nito ay nalalagpasan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay dahil ang tao ay hindi tumitigil sa paggawa ng paraan upang malampasan at makaya ang mga ito. Produkto/Awtput Panuto: Batay sa sitwasyong binasa, sa kabila ng malaking pagsubok na kinakaharap ng ating mga manggagawa ay marami pa ring positibong maidudulot ito sa larangan ng paggawa. Ngayon, ipagpapalagay mo na ikaw ay isang manggagawa. Ikaw ay inaasahang makabuo ng paglalahat tungkol sa kabutihang dulot ng paggawa sa sarili, kapuwa, pamilya at lipunan. Sa iyong natutuhan sa Filipino sa paglalarawan at pagsasalaysay, ilarawan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ang sagot sa tsart na nakalaan sa gawaing ito. Sa Araling Panlipunan naman ay subukin mong suriin ang kaugnayan nito sa ating ekonomiya / lipunan. Gawing gabay ang halimbawa. Tsart ng Kabutihang Naidudulot ng Paggawa Sa sarili Halimbawa: Para sa akin, sa pamamagitan ng paggawa marami akong pangangailangang natutugunan tulad na lamang ng mga pangunahing pangangailangan na makakamit lamang kung patuloy na kikilos at aabutin ang aking ninanais. Ito rin ay nagdudulot ng kasiyahan sa aking sarili dahil sa pamamagitan ng paggawa naipapakita ko ang mga kakayahan na aking taglay kaya higit ko pang pinagbubuti ang aking paggawa. Ang mga taong aking nakakasalamuha ay nagiging inspirasyon ko at kalaunan ay nagiging kaibigan ko upang ipagpatuloy ang paggawa sa kabila ng mga balakid na aking nararanasan lalo ngayon sa panahon ng pandemya. Sa kasalukuyan ay nararapat lamang na tayo ay magtipid sa mga bagay na ating tinatamasa upang maiwasan natin ang kakulangan sa ating mga pangangailangan. Ikaw naman:

Sa sarili _________________________________________________________ _________________________________________________________ __________________.
Sa pamilya _________________________________________________________ _________________________________________________________ __________________.
Sa kapuwa _________________________________________________________ _________________________________________________________ __________________.
Sa lipunan _________________________________________________________ _________________________________________________________ __________________.

paki sagot​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.