Questions


October 2022 1 3 Report
LIONGO

mula sa Kenya, Africa
isinalin ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamayari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate. Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.

TANONG:

5.) Sa iyong palagay, bakit ganoon na lamang ang galit ng pinsan niyang si Haring Ahmad

(Hemedi) sa kanya?

6.) Ano ang pagkakamaling ginawa ni Liongo na nagdulot ng mga suliranin sa

kaniyang buhay?

7.) Tama ba ang kaniyang naging desisyon na lumayo na lamang? Ipaliwanag.

8.) Ano ang masasabi mo sa mga kilos at gawi ni Liongo? Patunayan.

9.) Ano ang masasalamin na kultura na magsisilbing mahalagang aral ang nais nitong

ipabatid mula sa iyong binasang akda?

10.) Paano nakatutulong ang mitolohiya bilang isang uri ng akdang Africa sa daigdig? Ano

ang bisa nito sa iyo bilang mambabasa?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.