Lina: Pera na lang ang ibigay natin sa mga batang lansangan sa darating na Pasko. Mabuti na iyon para mabili nila kung ano ang talaga ang gusto nila. Cora: Mga laruan na lang kasi para baka gamitin lang nila ang pera sa kung saan-saan. Kung mga laruan tiyak paglalaruan pa nila iyon. Betty: Mga damit na lang sapagkat tila hindi sila nakakaranas magsuot ng maayos na damit. Vena: Lahat ng opinyon ninyo ay magaganda at kapaki-pakinabang ngunit isipin din natin kung ano ang madali nating mahihingi sa mga mamamayang nakaririwasa sa ating lugar. Lina: Kung ganoon, kung papayag kayong lahat, mga laruan at damit na lang ang ating ipamimigay sa darating na Pasko
TANONG:
1.Ano ang naging bunga ng kanilang pagpapalitan ng opinyon?
Answers & Comments
Answer:
Maganda ang ibinunga nito sapagkat nagtulong tulong sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon
Answer:
magiging maayos ito dahil ang kanilang opinyon ay magagamit ng mga batang lansangan