Ang pananampalataya ay ang pagkakaroon ng kasiguraduhan, paniniwala, pagtitiwala at malakas na pag-asa sa isang mataas na nilalang katulad ng Diyos. Ito ay paniniwala na mangyayari ang mga bagay na inilaan ng mataas na nilalang para sa kanyang buhay, kahit gaano man kagulo ng nangyayari sa kanya sa kasulukuyan. Ito din ay paniniwala na sa gitna man ng problema ay nandiyan ang Diyos at mayroon siyang ginagawa para sa ating kabutihan, hindi man natin siya nakikita ay alam natin na kasama natin siya.
Limang Hakbang Para sa Pagpapaunlad ng Pananampalataya
Paniniwala ang Pagmamahal at Kaligtasan na Ibinigay ni Hesus sa atin. Ang unang hakbang na ating kailangan upang mapaunlad ang ating pananampalataya sa Diyos ay ang paniniwala na tayo ay niligtas na ng Panginoon. Ito ay ang paniniwala na ang dating mga kasalanan at ang mga parusa na kalakip nito ay napawi na ng kaligtasan na ibinigay ni Hesus ng siya ay ipako sa krus. Sapagkat kung hindi natin ito paniniwalaan ay mananatili ang ating kahihiyan dahil sa ating mga pagkakamali. Paniwalaan muna natin ang kanyang pagmamahal para sa atin.
Pagpapaunlad sa Pamamagitan ng Pananalangin. Ang ating pananampalataya sa Diyos ay parang katulad din lamang ng relasyon natin sa ibang tao, kinakailangan na mayroon tayong komunikasyon sa Kanya. Mas lumalawak ang ating pananampalataya kung palagi tayong makikipag-usap sa Diyos at ito ay sa pamamagitan ng Pananalangin.
Pagpapaunlad sa Pamamagitan ng Pagbabasa ng Bibliya. Kung ang pananalangin naman ay ating nagagamit upang maihayag ang ating mga saloobin sa kanya, ang pagbabasa naman ng bibliya ay nakakatulong upang malaman natin ang Kanyang nais para sa atin. ang pagbabasa ng bibliya ay nakapagpapaunlad nga ng ating pananampalataya sapagkat sa pamamagitan nito ay nagagabayan niya tayo at napapaalalahanan ng kanyang mga magagandang pangako para sa atin.
Pagsali sa mga Grupo na Nag-aaral at Nagsasabuhay din ng Bibliya. Ang pagsali sa mga ganitong grupo na maaaring tinatawag nila na Bible Study, Cell Group, Life group at iba pa ay nakakatulong upang mas maunawaan natin ang paglalim ng pananampalataya. Sa pamamagitan nito ay natututunan at nalalaman natin ang mga bagay na natutunan na nila at babago pa lamang natin natututunan.
Pagdalo sa Simbahan na Nagtataglay na Kaparehong Pananampalataya. Mas napapaunlad naman nito ang ating pananampalataya sapagkat nagkakaroon tayo ng lakas na maaaring naibibigay sa isa’t-isa ng ating mga kapatiran. Naipaparamdam nito na hindi tayo nag-iisa sa pananampalataya na ating pinaniniwalaan at nagkakaroon din naman tayo ng katulong kapag kinakailangan natin ito. Gayundin naman nabibigyan tayo ng pribilehiyo na makatulong sa iba na maaaring nangangailangan din ng ating tulong.
Answers & Comments
Verified answer
Kahulugan ng Pananampalataya
Ang pananampalataya ay ang pagkakaroon ng kasiguraduhan, paniniwala, pagtitiwala at malakas na pag-asa sa isang mataas na nilalang katulad ng Diyos. Ito ay paniniwala na mangyayari ang mga bagay na inilaan ng mataas na nilalang para sa kanyang buhay, kahit gaano man kagulo ng nangyayari sa kanya sa kasulukuyan. Ito din ay paniniwala na sa gitna man ng problema ay nandiyan ang Diyos at mayroon siyang ginagawa para sa ating kabutihan, hindi man natin siya nakikita ay alam natin na kasama natin siya.
Limang Hakbang Para sa Pagpapaunlad ng Pananampalataya
Ang unang hakbang na ating kailangan upang mapaunlad ang ating pananampalataya sa Diyos ay ang paniniwala na tayo ay niligtas na ng Panginoon. Ito ay ang paniniwala na ang dating mga kasalanan at ang mga parusa na kalakip nito ay napawi na ng kaligtasan na ibinigay ni Hesus ng siya ay ipako sa krus. Sapagkat kung hindi natin ito paniniwalaan ay mananatili ang ating kahihiyan dahil sa ating mga pagkakamali. Paniwalaan muna natin ang kanyang pagmamahal para sa atin.
Ang ating pananampalataya sa Diyos ay parang katulad din lamang ng relasyon natin sa ibang tao, kinakailangan na mayroon tayong komunikasyon sa Kanya. Mas lumalawak ang ating pananampalataya kung palagi tayong makikipag-usap sa Diyos at ito ay sa pamamagitan ng Pananalangin.
Kung ang pananalangin naman ay ating nagagamit upang maihayag ang ating mga saloobin sa kanya, ang pagbabasa naman ng bibliya ay nakakatulong upang malaman natin ang Kanyang nais para sa atin. ang pagbabasa ng bibliya ay nakapagpapaunlad nga ng ating pananampalataya sapagkat sa pamamagitan nito ay nagagabayan niya tayo at napapaalalahanan ng kanyang mga magagandang pangako para sa atin.
Ang pagsali sa mga ganitong grupo na maaaring tinatawag nila na Bible Study, Cell Group, Life group at iba pa ay nakakatulong upang mas maunawaan natin ang paglalim ng pananampalataya. Sa pamamagitan nito ay natututunan at nalalaman natin ang mga bagay na natutunan na nila at babago pa lamang natin natututunan.
Mas napapaunlad naman nito ang ating pananampalataya sapagkat nagkakaroon tayo ng lakas na maaaring naibibigay sa isa’t-isa ng ating mga kapatiran. Naipaparamdam nito na hindi tayo nag-iisa sa pananampalataya na ating pinaniniwalaan at nagkakaroon din naman tayo ng katulong kapag kinakailangan natin ito. Gayundin naman nabibigyan tayo ng pribilehiyo na makatulong sa iba na maaaring nangangailangan din ng ating tulong.
Para sa Karagdagang Impormasyon
Bunga ng Pananampalataya:
brainly.ph/question/17170638
#SPJ5