Likas sa tao ang pagiging mabuti. Subalit minsan ay naapektuhan ng mga negatibong emosyon ang ating mga desisyon kung kaya’t nakagagawa tayo ng mga bagay na nakakasakit sa ating kapwa. Malimit nating marinig ang tanong na “Ano-ano ba dapat ang maging batayan ng mga desisyong ating gagawin?” (character at conscience). Kaya sa babasahing sitwasyon sa ibaba ay bubuo ng sariling desisyon batay sa sitwasyon na isaalang-alang ang kabutihan ng sarili, kapwa at lipunang kinabibilangan (character and community).
Sitwasyon:
Sa kasalukuyan ay marami kang nakikita at naririnig na iba’t ibang isyu sa social media. Kamakailan lang ay lumaganap ang balita tungkol sa pagkawala ng mga kabataan at kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa Luzon. Ano ang iyong magagawa ukol sa isyung ito? Ipaliwanag nang may kahusayan (competence) ang iyong sagot. .
Answers & Comments
Bilang isang teenager na mahilig gumamit ng social media ay gagamitin ko ito sa pagpapalaganap ng nasabing isyu para magkaroon ng kamalayaan ang iba at para na rin maging babala sa karamihan. Ito ay makakatulong, hindi lamang sa kababaihan kundi pati na rin sa lahat ng tao. Sa pamamagitan nito, mapapanatili nating ligtas ang ating kapwa at nakatulong pa tayo bilang isang Pilipino.