Panginoon po naming Diyos, nais ko pong ipabatid sa inyo ang aking taos-pusong pasasalamat sa walang humpay na biyayang aking tinatamasa gayundin po ang patuloy na kaligtasang ibinibigay niyo po sa akin pati na rin po sa aking mga mahal sa buhay. Batid ko pong napakarami ko pong pagkukulang at pagkakasala ngunit sa kabila po nito ay hindi niyo pa rin po ako pinababayaan. Patuloy po ang patnubay at gabay na ibinibigay niyo po sa akin magmula po sa pagdilat ng aking mga mata hanggang sa akin pong pagtulog. Sa umpisa pa lamang po ng araw ay ipinaparamdam niyo na po ang inyong pagmamahal sa akin sa pamamagitan ng patuloy na pagpapahiram ng isa nanaman pong buhay at lakas upang kaharapan ang isa pang araw sa aking buhay. Sa bawat oras pong dumarating, napakabuti po ninyo dahil hindi niyo po ako pinababayaang mapahamak at maligaw ng landas. Hindi lamang po ako ang inyong pinapatnubayan, pati po ang mga mahal ko sa buhay at ang mga malalapit sa akin. May problema man pong dumating sa aking buhay, alam ko pong pagsubok lamang ito na inyong binibigay upang mas tumibay pa po ako bilang isang simpleng tao at gayundin upang mas tumibay pa po ang pananampalataya ko sa inyo. Nais ko pong ipabatid sa inyo na walang humpay ang aking pasasalamat mula sa kaibuturan ng aking puso. Ako po ay lubos na gumagalang sa pangalan ni Hesus na aming tagapagligtas.
Answers & Comments
Answer:
Liham Pasasalamat sa Diyos

Explanation: