ANG LIHAM KO AY ITO Ang Palasyo ng Malakanyáng (Ingles: Malacañang Palace) ay opisyal na tiráhan ng pangulo ng Pilipinas. Nagmula ang pangalan mula sa pananalitang May lakan diyan dahil dáting nakatirá dito ang isang mayamang Kastilang negosyante bago pa ito naging tiráhan ng punong tagaganap ng bansa. Matatagpuan sa hilagang pampang ng Ilog Pasig sa Maynila. Tumutukoy sa opisyal na tiráhan ng pangulo ang Palasyo ng Malakanyang samantalang tumutukoy ang Malakanyang sa tanggapan ng pangulo at pang-araw-araw na pagtutukoy ng medya. Ipinapakita ito sa verso (likod) na bahagi ng 20-pisong salapi.
Itinayo ang orihinal na gusali noong 1750 ni Don Luis Rocha bílang bahay pahingahan sa tabi ng Ilog Pasig. Binili ito ng estado noong 1825 bílang tirahan ng Gobernador Heneral ng Espanya tuwing tag-init. Matapos wasakin ng lindol ang Palacio del Governador sa loob ng Intramuros noong Hunyo 3, 1863, ginawa itong opisyal na tiráhan ng Gobernador Heneral. Matapos masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas noong 1898, ginawa itong tiráhan ng mga Gobernador ng Amerika, simula kay Heneral Wesley Merritt.
Kinalaunan, noong nagsarili ang Pilipinas, naging tiráhan ito at tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Marami ring mga pagbabago na ginawa sa lupain ng Malakanyang simula ng 1750, kabílang na ang mga pagpapalawak sa loteng ito at sa pagpapagiba at pagpapatayo ng iba pang mga gusali. Sa mga Pangulo ng Ikalimang Republika, tanging si Gloria Macapagal-Arroyo lámang ang tumirá sa pangunahing Palasyo, habang ang iba ay piniling tumirá sa kalapit na mga gusali na bahagi ng kompleks ng Malakanyang.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
OKS NA