Questions


December 2022 1 0 Report
liham at pasasalamat sa iyong guro

Mahal Kong Guro,

Isang magandang araw po sa inyo. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo para sa lahat ng mga bagay at kaalaman sa eskwela at sa buhay na naituro mo sa akin. Hindi ko mararating kung nasaan man ako ngayon kung hindi ka nagtiyaga para ako ay matuto at maging mabuting tao. Kung ano ako ngayon ay utang ko ito sa inyo na aking naging guro.

Ikaw ang guro na hindi madaling magalit ilang beses man akong nagkamali. Ni minsan ay hindi ka rin nagalit ng makailang beses akong lumiban sa klase at sa mga oras na nahuhuli mo akong tulog sa gitna ng iyong pagtuturo. Palagi ay mayroon kang mga paraan para kami ay mapasaya at ang mga kwento mo ang ilan sa mga umukit sa aking katauhan upang maging mabuting mamamayan.

Salamat dahil sa eskwelahan ay ikaw ang tumatayo na ama at ina para sa aming lahat. Kailanman ay hindi ka nawalan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa akin at sa aming lahat na iyong mga mag-aaral. Gusto kong malaman mo na taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng gabi na nagpuyat ka kakahanda ng mga leksyon at kakaisip kung paano namin maiintindihan ang mga bagay-bagay sa buhay, sa paligid, at sa lipunan.

Nawa’y sa simpleng sulat ko na ito, maramdaman mo ang aking pagmamahal at pasasalamat para sa iyo na aking naging guro.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.