LEARNING ACTIVITY SHEET-4 Ikatlong Baitang - Filipino Pangalan: Petsa: Iskor: Pagbibigay Lagom o Buod ng Tekstong Nabasa PANUTO: Basahin ang kuwento at gamitin ang balangkas sa ibaba upang maibuod ang kuwento. Ang Nagtutulungang Pamilya sa Gitna ng Pandemya Ni: Margie P. Cas Isang gabi, nasa sala ang mag-anak na Cruz habang nanonood ng balita sa telebisyon. "Itay. ano po ba ang COVID 19 at bakit po wala kaming pasok sa eskuwelahan?" ang tanong ni Jehan. "Anak ang COVID 19 ay isang sakit na kung hindi natin maiiwasan ay maaari nating ikamatay." mahabang paliwanag ni Mang Gusting. Tahimik nilang ipinagpatuloy ang panonood ng telebisyon. Lumipas pa ang ilang oras, naghanda na ang pamilya sa pagtulog. Kinabukasan, maagang gumising si Aling Norma upang mamalengke. Nilapitan siya ng kaniyang panganay na anak. "Inay, gamitin po ninyo itong face mask para hindi po kayo mahawaan ng virus." sabi ng anak. Agad naman itong kinuha ng ina at saka umalis. "Mga anak manatili na lang muna tayo rito sa loob ng bahay dahil kung hindi tayo susunod sa mga payo ng pamahalaan, baka ikapahamak pa natin ito," sabi ni Mang Gusting. "Opo itay." sabay na sagot naman ng dalawa. Nag-umpisa na ang mag-ama sa gawaing bahay. Nagwalis si Jehan habang nagbunot naman ng sahig si Marlon. Nagsibak din ng kahoy ang kanilang ama dahil paubos na ang kanilang panggatong. Linggo: Ikapito at Ikawalo tekstong binasa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.