lB. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay at DP kung hindi ito nagpapatunay. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. Ang bansang Pilipinas ay isang arkipelago. Katunayan, mayroong mahigit 7, 000 isla ang nakapalibot dito.
______2. Pinatutunayan ng datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 62.8% ng mga benipisyaryo ay nakatanggap na ng kanilang ayuda.
______3. Nakalulungkot malaman na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga taong apektado ng COVID-19.
______4. Ang malaking serbisyo dulot ng mga NGOs sa iba’t ibang panig ng bansa ay malaking tulong para sa pamahalaan.
______5. Ang mga nakikita nating balita sa telebisyon tungkol sa pakikipaglaban ng mga frontliners sa COVID-19 ay isang katotohanang handang magbuwis ng buhay ang tao para sa kaniyang kapwa.
______6. Umaasa silang huwag na sanang magkaroon ng ganoon kalakas na bagyo sa bansa.
______7. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit pitong lining islang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.
______8. Nakalulungkot Makita ang ilan sa ating mga kababayang nawawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian.
______9. Kaya naman, magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.
______10. Pinatutunayan na ang mga ngiti ng mga Pilipino kahit sa anumang pagsubok ay positibo pa rin at tumitingin sila na may panibagong pag-asang kahaharapin.
Answers & Comments
Answer:
1. P
2. P
3. DP
4. P
5. P
6. DP
7. P
8. DP
9. DP
10. P
Explanation:
Nasabing kong P o nagpapatunay dahil ang pangungusap ay nagbibigay nf sapat at tunay na impormasyon sa isinasaad sa pangungusap.
Nasabi ko namang DP o hindi nagpapatunay dahil ang pangungusap ay nagsasaad lamang ng kanyang sariling emosyon at opinyon, isa pa ay wala itong sapat na impormasyon o ebidensya sa pangungusap
Ang mga pahayag na ito ay karaniwang may kasamang information o katibayan na maaaring suportahan ang katotohanan ng mga pahayag. May mga pahayag na kung saan ipinakita ang katotohanan ng isang bagay.
HALIBAWA SA NAGPAPATUNAY
Nagpapahiwatig – Ang katibayan ay hindi makikita, maririnig o direktang mahipo ngunit nasasalamin ang katotohanan sa pamamagitan nito.
Nagpapakita – Ang salita ay nagsasaad ng katotohanan at katotohanan ng isang bagay na napatunayan.
May Dokumentaryong Ebidensya – Ang katibayan, larawan o video na ito, ay maaaring maisulat.
Nagpapatunay/Katunayan – Ito ay ang salitang nagpapahayag o nagpapahayag ng pananampalataya o paniniwala sa sinabi.
Taglay ang matibay na Konklusyon – Ang ebidensya, o impormasyon na ipinakita na totoong nagpapatibay ng mga katotohanan.
Kapani-paniwala – salita ang nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
Pinatutunayan ng mga Detalye – Malalaman mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag.
Magbigay ng isang pangungusap na nagpapatunay: brainly.ph/question/19105822
#LETSSTUDY