lamang sa kamatayan upang makapagpahinga. Nagtungo naman ang hari sa Bundok Kurayan upang hanapin ang kinatatakutang ibon na may pitong ulo at matatalas na mga kuko. Natagpuan ni Haring Indarapatra ang ibon at sila ay naghamok. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat ay madali niyang napatay ang ibon. Kaya naman ng kanyang matalo ang ibon ay hinanap niya ang mga taong naging dahilan upang matagpuan niya ang isang magandang diwatang tuwang-tuwang nagpasalamat sa kanyang kabayanihan at katapangan. Isinama siya ng diwata sa yungib na pinagtaguan ng mga tao. Isinalaysay ni Haring Indarapatra ang pakikipaghamok nilang dalawa ni Prinsipe Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. Sinabi ni Haring Indarapatra na maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan sapagkat wala na ang mga halimaw at ibong gumulo sa kanila. Nagpasalamat ang mga tao kay Haring Indarapatra, Hiniling naman ni Haring Indarapatra sa magandang diwatang pakasalan siya nito. Pumayag ang diwata at kaagad na ipinagdiwang ang isang magarbo at tunay na masayang kasalan. Tuwang- tuwa ang mga tao at walang pagod nilang isinisigaw na "Mabuhay ang hari!" Bunga nila'y muling lumilaw ang malawak na lupang bagama't pawang kapalayan ay tunay na malusog naman. Hindi na bumalik sa sariling bayan si Haring Indarapatra. Doon na siya naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanao, (Mula sa Pinagyamang Pluma 7) Gawain 2 Panuto: Batay sa nabasang buod ng Indarapatra at Sulayman, suriin ang mga pahayag na nagsasaad ng mga sanhi at bunga. Kopyahin ang disenyong grapikong fishbone na nasa ibaba at isulat ang mga sanhi at bunga mula sa epikong nabasa sa iyong sagutang papel o notbuk. Paalala: Ginawa na ang unang bilang para sa iyo.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.